“Social media distancing”: Halina’t makipag-ugnay sa daigdig na payapa at tunay

  • Ipinakita sa isang Facebook page ang pansamantalang pagdiskonekta sa paggamit ng mga gadgets at internet at pakikipag-ugnay naman sa kalikasan
  • Maaari itong tawaging “social media distancing”
  • Nagbigay naman ng reaksyon at komento rito ang mga netizens

Tunay na pinaliit ng makabagong teknolohiya at social media ang dating malaking daigdig. Kayang-kaya na nating makausap ang mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa, o kaya naman ay makakilala ng ibang lahi upang maging kaibigan, o kaya’y malaman ang mga nangyayari sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Bagama’t ginhawa at malaking tulong ito sa sangkatauhan, minsan ay nagiging dahilan din ito ng mga kaguluhan. Minsan, masarap ang magsagawa ng “social media distancing” o hindi paggamit ng anumang gadget o internet sa isang araw. Tipong “back to basic”. Iyan ang itinampok sa Facebook page na “Real is Rare”.

Imahe mula sa Facebook page na Real is rare

Ayon sa caption, “There is no Wi-Fi in the forest, but I promise you will find a better connection,” kalakip ang iba’t ibang larawan na nagpapakita ng disconnection mula sa teknolohiya at connection naman sa kalikasan, na iilan na lamang ang gumagawa.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“You can’t find this place in your city! Real is rare!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Loved going camping and being a way from the city, fishing, eating food cooked in the open fire.”

“Yes… minsan kailangan nating mag-disconnect sa social media kasi minsan, nakakapraning na ring magbasa ng mga balitang paulit-ulit na lang. Pero come to think of it, parang ayoko rin namang i-turn off ang phones ko kasi iba na ang panahon ngayon, lalo na sa mga emergency, kailangan updated ka rin,” sabi ng isa.

Kung ikaw ay isang adventurous, maaari kang sumali sa mga grupo na nagsasagawa ng mountaineering o pag-akyat sa mga burol o bundok. Naiibang karanasan din na makarating sa peak o ituktok nito. Tiyakin lamang na handang-handa sa pisikal at mental na aspeto upang hindi mauwi sa trahedya ang dapat sana ay paglilibang.

Imahe mula sa Facebook page na Real is rare

Kung hindi naman kaya ang mga extreme outdoor activities gaya nito, ang simpleng paglalakad-lakad lamang sa parke, o kaya ay simpleng pagtatanim sa bakuran ay maaari ding gawin.

Paminsan-minsan, kailangan nating makipag-ugnay sa daigdig na payapa at tunay.

Loading…