South Korea nagbigay ng P250-M tulong sa ‘Pinas laban sa COVID-19

Imahe via Sokor Embassy Facebook
  • SoKor nagbigay ng P250-M humanitarian aid sa Pinas
  • Ang nasabing tulong ay kinabibilangan ng mga testing kit, bigas, PPEs at iba pa
  • Nakahanda rin umanong maglaan ng pinansiyal na tulong ang SoKor

Sa kabila ng patuloy na paglaban sa COVID-19, nagpadala pa rin ng tulong ang South Korea sa Pilipinas bilang humanitarian aid sa pagsugpo naman ng bansa sa kasalukuyang pandemiya.

Ayon sa panayam kay Korean Ambassador Han Dong-Man, sinabi ng SoKor official na ang tulong ay nagkakahalaga ng US$5-M o aabot sa P250-M.

Amb. Han| Imahe via PNA

Ito ay kinabibilangan ng mga testing kit, high-quality mask, tone-toneladang bigas, 1,000 face shields, diagnostic kits, personal protective equipment (PPE), at protective face masks para mga betaranong Pinoy ng Korean War at kani-kanilang mga pamilya.

Hindi umano makalilimutan ng SoKor ang kabayanihan at suporta ng mga sundalong Pilipino noon sa kasagsagan ng Korean War kaya patuloy ang pagpapadala nila ng humanitarian aid sa Pilipinas sa nakalipas na pitong dekada.

“The Philippines is Korea’s long-standing ally. Over the past 70 years since the outbreak of the Korean War in 1950, Koreans have never forgotten the 7,420 Filipino soldiers who were dispatched as the Philippine Expeditionary Forces to Korea as part of the UN Forces to fight for the freedom of Korea during the Korean War,” pag-aalaala ni Han.

IMahe via SoKor Embassy Facebook

Maliban dito, nakahanda rin umanong maglaan ang South Korea ng US$50-M upang suportahan ang budget ng Pilipinas para sa pagsugpo sa epekto na dulot ng COVID-19 sa pamamagitan ng kanilang Economic Development Cooperation Fund (EDCF) sa ilalim ng Korea EXIM Bank.

“The current global pandemic Covid-19 cannot prevent such efforts of the Korean government and its people to express deep appreciation to the Filipino people,” ani Han.

Ibinahagi din ng SoKor envoy na naglaan din sila ng US$50-M  mula sa Korea-Association of Southeast Asian Nations (Asean) Cooperation Fund bilang tulong sa 10 bansa na kasapi ng ASEAN tulad ng Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, at Vietnam para labanan ang pandemiya sa rehiyon.

Source :

PNA, Remate, Facebook

Loading…