Special permit required bago payagang pumasada ang mga traditional jeepney

Screenshot mula sa GMA video
  • Special permit kailangan bago payagang pumasada ang mga tradisyunal na jeepney
  • Kailangang pumasa sa smoke emission test at roadworthiness test ang jeepney bago makakuha ng special permit
  • Tinapat ng Palasyo ang mga jeepney drivers na walang kasiguruhan na makapapasada na sila sa susunod na linggo

Bago payagang makabiyahe ang mga traditional jeepney sa susunod na linggo, sinabi ng Department of Transportation (DOTr)  na kailangang kumuha ang operators ng mga ito ng special permit mula sa Land Transportation Office (LTO).

Screenshot mula sa GMA video

Nilinaw ng DOTr na bago maisyuhan ng special permits ang mga pampasaherong jeepney ay kailangan nitong dumaan sa smoke emission test at roadworthiness test.

“Let’s say, for example, sinabi ‘itong operator na ito sige ikaw papasada ka,’ dapat ‘yong sasakyan niya dalhin niya sa LTO para ma-check. ‘Yong katawan niya baka naman karag-karag na o kaya ‘yong mga upuan butas. Makikita mo naman hitsura ng jeep kung tagilid na, eh or maayos pa,” sabi ni DOTr senior consultant Alberto Suansing.

Binigyang-diin ni Suansing na ang mga traditional jeepney ay papayagan lang pumasada sa mga rutang hindi naaabot ng mga bus, modernized jeepney at tren.

Kinondena naman ng grupong PISTON ang pahayag ng DOTr.

“Mariin po naming kino-condemn ‘yong usapin noong pagsasapilit ng LTFRB at DOTr na kami ay pag-aplayin ng permit para makapag-operate. Pinapayagan kami na magpatakbo ng sasakyan ayon sa aming prangkisa sa loob nga po ng limang taon,” sabi ni PISTON national president Mody Floranda.

Screenshot mula sa GMA video

Bagama’t papayagan ngayon ang mga tradisyunal na pampasaherong jeep, nilinaw ni Suansing na ang modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan ay tuluy-tuloy pa rin. Aniya, sa December 30 ngayong taon ay kakanselahin na ang lahat ng prangkisa ng mga lumang public utility vehicle.

Tinapat naman ng Palasyo ang mga tsuper ng jeepney na walang kasigurahan na makabibiyahe na sila sa susunod na linggo.

“Tapatan po, wala pong kasiguruhan,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Saka lang daw makakapasada ang mga tradisyunal na jeepney na roadworthy kung kulang pa ang mga bus, modern jeepneys at UV Express.

Screenshot mula sa GMA video

Loading…