Super Tekla emosyonal dahil sa kalagayan ng bagong silang na anak

Screenshot mula sa 24 Oras video
  • Emosyonal si Super Tekla dahil sa maselang kalagayan ng bagong silang na anak
  • Tatlong araw pa lang ang nakalipas nang isilang si Baby Angelo na nagdala ng tuwa sa pamilya ni Super Tekla
  • Ang tuwa ay agad napalitan ng pag-aalala dahil sa maselang kalagayan ng anak

Walang pagsidlan ng tuwa ang komedyanteng si Super Tekla, Romeo Librada sa totoong buhay, nang muli siyang biyayaan ng panibagong anak – si Baby Angelo na isinilang tatlong araw pa lang ang nakalilipas.

Screenshot mula sa 24 Oras video

Ang tuwa ng komedyante ay agad napalitan ng labis na pag-aalala nang malamang isinilang na may malpormasyon ang sanggol.

Sinabi  ni Super Tekla sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas sa “24 Oras” ng GMA Network, na kailangang maoperahan agad ang anak dahil sa anorectal malformation.

Hindi napigilan ni Super Tekla na maglabas ng kanyang saloobin dahil sa maselang kalagayan ng bunsong anak. Aniya, bilang ama ay masakit sa kanya ang nakikitang nahihirapan si Baby Angelo.

“Kaba at saka takot ko, ganoon na lang. Masakit bilang isang tatay,” sabi ng naluluhang komedyante.

Ginagawa raw niya ang lahat para ipaglaban ang buhay ni Angelo.

“Nilapag ko lahat, nilalapag ko kung anong kayang mailapag … handa akong mag-start ulit. That’s life. At the end of the day, wala akong pagsisisihan,” lahad ni Tekla.

Screenshot mula sa 24 Oras video

Masakit man para sa kanya ay handa naman niyang tanggapin kung iyon ang kalooban ng Diyos.

“Sabi ko, ‘Bro, grabe ka naman, dito mo pa talaga binigay ’yung ganitong situation na wala akong kalaban-laban, kung hindi ang humagulgol at maglupasay. If there’s a big, big plan si God, kung will ni God na ibigay Niya sa akin, ’yun ang hihilingin ko,” aniya.

Kung wala lang sanang pandemya ay mas madali raw para sa kanya na harapin ang problema.

“Nagkataon lang siguro, isang sampa ko lang ito. Lahat siguro susuyurin ko, pero wala kang masusuyod in this moment,” paliwanag niya.

Nahihiya mang manghingi ng tulong, sinabi ni Super Tekla na sinuman ang magbigay ng tulong para sa kanyang anak ay pasasalamatan niya habambuhay.

Screenshot mula sa 24 Oras video

Loading…