Tara sayaw! Ginawa mo ba ang pamosong sayaw ng mga estudyante noong late 2000s kapag may program?

  • Binalikan ng mga netizen ang nausong sayaw noong late 2000s kapag may programa sa school
  • Ang sayaw na ito ay inspired ng American dance group na Jabbawockeez
  • Nagbahagi ng kanilang alaala ang mga netizen sa nasabing tanyag na dance step at porma

Maliban sa mga aralin, isa rin sa mga pinagkaabalahan ng mga mag-aaral noon ay ang mga program sa school. Ayaw mo man o gusto, wala kang choice kung hindi makiisa dahil bahagi ito ng paghubog sa confidence mo bilang isang indibidwal, at siyempre, isang paraan na rin para makakuha nang maayos na marka.

At kapag may programa, hindi mawawala ang mga dance numbers. Noong late 2000s at early 2010s, isang pamosong dance step at porma ang nauso para sa mga mahilig sumayaw. Ito ang binalikan sa isang post ng Facebook page na Unorthodox.

Larawan mula sa Facebook page na Unorthodox

Sa kanilang post, makikita ang larawan ng mga kalalakihan sa eskwela na naka-pose na hango sa pinausong sayaw ng sikat na American dance crew noon na Jabbawockeez. Sa kanilang kuhang larawan, nakaayos ang mga lalaki habang nakaanggulo ang kanilang mga kamay.

Dahil sa larawan, maraming mga kabataan at estudyante noon ang naka-relate. Marami ang nagkokomento ng kanilang alaala kaugnay sa nausong dance step. Umabot na rin sa higit 9,600 reactions na karamihan ay ‘haha,’ 1,800 comments, at 24,000 shares ang nasabing larawan.

Ayon sa ilang nagkomento, agad na tumugtog sa kanilang isip ang nauso ring tugtog na related sa dance step ng mga lalaki sa larawan. Ito ay ang awiting Apologize ng bandang One Republic na signature dance ng grupong Jabbawockeez.

“’I’m holding on your rope got me 10 feet off the ground…’ automatic na nag-play sa utak ko. Hahaha,” pahayag ng isang netizen na nagkomento.

Larawan mula sa comment ni Apple Sembrano

Sabi naman ng ilang mga magtotropa sa eskwela, guilty daw sila dahil sinayaw din nila ito noon at parehas pa ang pormahan. Mas level up lang daw sila dahil mayroon silang Jabbawockeez mask na ginamit nila noong sumayaw sila sa Christmas party.

“Yung kailangan ninyo sumayaw sa Christmas party. Hahaha. Those were the days. Laughtrip to!” pahayag ng isang netizen.

Ikaw, nasubukan mong sayawin ang step na ito?

Loading…