Mga guro binabagtas ang 9-kilometrong daan, ilog para sa internet signal at makasama sa webinar

Image by Julita Gumatay
  • Mga guro nilalakbay ang kilo-kilometrong daan at tumatawid sa ilog para makasali sa webinar
  • Webinar ito patungkol sa blended learning na siyang gagamitin sa upcoming school year
  • Ani ng isa sa kanila, bahagi ito ng propesyong sinumpaan nila — ang magdala ng edukasyon sa mga bata

Kapuri-puri ang mga sakripisyong ibinibigay ng mga guro ng Maducayan Elementary School sa Mt. Province sa ngalan ng edukasyon. Nilalakbay nila ang siyam na kilometro daan at tumatawid sa ilog para makakuha ng signal at makasali sa seminar ng blended learning.

Image by Julita Gumatay

Mas nagiging mahirap umano ito para sa kanila kapag hindi maganda ang panahon at madulas ang daan.

Wika ng head teacher na si Julita Gumatay sa GMA News, bahagi ng propesyong kanilang sinumpaan ang magdala ng edukasyon sa mga bata at sila man ay nag-aalala kung papaano magtuturo sa panahon ng COVID-19.

Kaya naman todo ang kanilang effort para makasali sa webinar ng blended learning; ang pamamaraang gagamitin sa school year 2020-2021.

Aniya, “As we have pledged it, as a teacher, is to bring education to the children. Lalo na ngayon, COVID-time, talaga we are worried kung paano namin naman iaabot ang edukasyon para sa mga bata.”

Lalo pang ipinag-aalala ni Gumatay ang kawalan ng gadgets ng kanilang mga mag-aaral; gayundin ang kawalan ng signal sa kanilang lugar kaya’t nananawagan siya na sana’y magkaroon sila ng mas malakas na cell site.

“Paano kami gumamit ng internet or online na wala namang signal? Ang mga bata ay wala naman silang gadgets… they are still ignorant in using gadgets like this, ah.”

Hindi rin daw stable ang internet signal kahit sa lugar na kanilang pinupuntahan kaya’t isang cellphone na lamang ang ginagamit at nagdadala ng speaker.

Dalawang guro, piniling dumalo sa isang webinar habang nasa damuhan para sa malakas na signal at tahimik na paligid

Naunang ibinahagi ng DF Balita noong Abril ang dalawang lalaking guro na naaktuhang nasa damuhan para makasagap ng signal at makasali sa isang webinar.

Larawan mula sa Facebook post ni Hazel Velayo

Loading…