Testimonya ng mayor sa Cebu: Gumaling sa COVID-19 ang anak at asawa nito sa America dahil sa “tuob”

Screenshot mula sa video ng Cebu Knows
  • Dahil sa “tuob” ay gumaling umano sa COVID-19 ang anak at manugang ni Barili Mayor Marlon Garcia
  • Sinabi ni Mayor Garcia na nahawahan ng COVID-19 ang anak niyang si Tessa at asawa nitong African-American at ipinayo niya na mag-tuob sila
  • Makalipas ang limang araw ng pagtu-tuob ay nagnegatibo na sa COVID-19 ang mag-asawa na nasa New Jersey

Nagbigay ng kanyang patotoo ang alkalde ng bayan ng Barili sa Cebu na ang kanyang anak na babae at asawa nitong African-American ay gumaling sa COVID-19 nang walang anumang medical assistance kundi “tuob” lang – ang tawag ng mga Cebuano sa steam therapy (suob sa Tagalog).

Screenshot mula sa video ng Cebu Knows

Sa isang public forum na pinangunahan ni Gov. Gwendolyn Garcia, sinabi ni Mayor Marlon Garcia sa kanyang testimonya na noong buwan ng Marso ay tumawag sa kanya ang anak na si Tessa na naninirahan sa New Jersey upang sabihin na siya at ang asawa ay positibo sa COVID-19.

Nakiusap umano kay Mayor Garcia si Tessa na gumawa siya ng paraan na maalagaan ang dalawa nilang anak na parehong wala pang 10 years old, sakaling hindi sila makaligtas sa sakit.

Sabi ni mayor, symptomatic ang mag-asawa, subalit walang ospital sa New Jersey ang tumanggap sa kanila dahil puno na raw ang mga ito. Tanging mga critical COVID-19 cases na lang ang pinapayagang ma-admit sa pagamutan.

Walang nagawa ang mag-asawa kundi mag-quarantine sa bahay, ngunit nangangamba sila para sa kanilang mga anak.

Nakadagdag pa sa kanilang takot ang mga napapabalitang mataas ang tsansa na hindi makaligtas sa COVID-19 ang mga African-Americans.

At dahil sa desperasyon ay inihabilin nga sa kanya ng anak ang kanyang mga apo kung sakaling may masamang mangyari sa kanilang mag-asawa.

Screenshot mula sa video ni Bong Goo

Sinabi ni Mayor Garcia sa anak na subukan ang “tuob” o steam therapy. Wala namang mawawala kung susubukan, aniya.

Itinuro niya sa anak na magpakulo ng tubig na may luya at lemon, singhutin ang usok habang nasa ilalim ng kumot sa loob ng ilang minuto.

Sinunod ng mag-asawa ang payo at nag-tuob sila dalawang beses sa loob ng isang araw, gaya ng bilin ng ama.

Sa unang subok pa lang ay may maganda nang naramdaman si Tessa at asawa. Pagkatapos ng ika-limang araw ay nawala na raw lahat ng sintomas ng COVID-19. Agad silang nagpa-swab test sa ospital at nalaman na negatibo na sila sa coronavirus.

Imahe mula sa Cebu Tours

Loading…