Throwback photo nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, kinakiligan

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli
  • Marami ang kinilig nang magbahagi si Matteo Guidicelli ng throwback photo nila ng asawang si Sarah Geronimo
  • Ayon kay Matteo, pitong taon na ang nakalilipas nang kunan ang larawang iyon
  • Pebrero ngayong taon nang ikasal ang dalawa sa isang secret wedding

Pinakilig ni Matteo Guidicelli ang fans nila ng asawang si Sarah Geronimo nang magbahagi siya ng throwback photo nila sa Instagram.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Sa larawan, makikitang bumubuo ng puso gamit ang kanilang mga kamay ang dalawa. “7 years ago. My wife. I love you,” sabi niya sa kaniyang post.

Dahil dito ay hindi maiwasan ng kanilang mga kaibigan sa showbiz at mga tagahanga na mag-iwan ng komento. “Love this,” sabi ni Judy Ann Santos.

“Who would have thought na kayo pala ang magkakatuluyan,” komento ng fan page ni Sarah. “Pinagtagpo at nakatadhana para sa isa’t isa,” dagdag ng isa pang fan page.

Ayon sa ABS-CBN News, inamin ng dalawa ang kanilang relasyon noong June 2014 ngunit sa isang panayam noong Oktubre 2016 ay sinabi ni Guidicelli na tatlong taon na silang magkarelasyon.

Pebrero 20, 2020 nang ikasal ang dalawa sa isang kontrobersyal na secret wedding.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

“Yes, we got married. [We are now] Mr. and Mrs. Guidicelli,” pagkumpirma ni Matteo sa kaniyang post.

Nagdesisyon daw sila na gawing “as intimate as possible” ang kasalan dahil sa “private matters.”

“Each and every one of you has been part of our love journey and we want to say, Thank you. Friends, family and everyone on ‘social media’ have been a source of inspiration, strength, and most importantly, of LOVE.”

Nabalutan ng kontrobersiya ang kanilang pag-iisang dibdib matapos ireklamo ng guard ni Sarah si Matteo dahil umano sa panununtok nito. Dito na rin lumabas ang ibang detalye ng kaganapan sa kasal kagaya ng pagwawala raw ni Mommy Divine dahil inilihim sa kaniya ito.

Loading…