Tindig balahibo sa sarap: Bento box na may nakakikilabot na disenyo, patok sa mga netizens

  • Trending online ang kakaibang disenyo ng mga bento box o creative lunch box meals
  • Nakatitindig balahibo kasi ang tema ng mga bento box na maayos pa rin namang nalikha
  • Iba-iba naman ang reaksiyon ng mga netizens sa nasabing bento box

Pinauso ng bansang Japan ang paghahain ng mga pagkaing nasa lunch box o anumang lalagyan na nilalagyan ng dekorasyon o inaayos nang mabuti. Tinatawag ang art na ito bilang bento box. At kahit hindi taga-Japan, nahumaling na rin sa paggawa ng bento box dahil mas nakadaragdag daw ito sa gana ng kakain.

Pero ngayon, trending sa social media ang ilang disenyo ng bento box na imbes na matuwa at magbigay ligaya sa kakain, pagtindig ng balahibo ang maaaring ibigay sa sinumang mabibigyan nito. Ibinahagi ng Facebook page na Eat All You Can ang nakatitindig balahibong disenyo ng mga bento box.

Larawan mula sa Facebook post ng Eat All You Can

Malikhain pa rin naman ang mga bento box na ito at kakikitaan pa rin ng sining. Ngunit kaiba ito sa mga normal na disenyo ng bento box na karaniwang nakaaakit sa mga kakain lalo na ang mga bata. Horr0r kasi ang tema ng mga nasabing bento box na umani ng sari-saring reaksiyon mula sa mga netizen.

Sa husay kasi ng pagkakagawa, talaga namang nagbigay tak0t sa ilan ang obra. Halimbawa, sa isang bento box, makikita na ang dalawang pirasong itlog ay ginawang mata na tila nakaluwa at pinalamutian ng ibang gulay at condiments para mas magbigay ng nakahihindik na impresyon.

Mayroon ding bento box na tila isang naputol na kamay. Gawa lang naman ito sa mga hiniwang sausage at nilagyan ng ketchup para mas maging makatotohanan. Sabi sa caption ng post, ganito raw ang bento box na ihahanda at ibibigay sa iyo ng nanay mo kapag nainis sa iyo.

Umani ng higit 6,600 reactions na karamihan ay ‘haha,’ 3,600 comments, at 27,000 shares ang mga larawan ng nakatitindig balahibong bento box. Nagpahayag din ng komento ang mga netizen tungkol sa malikhain ngunit nakatatak0t na bento box.

Larawan mula sa Facebook post ng Eat All You Can

Sabi ng ilan, magugulat daw sila kapag ganito ang tatambad sa kanila sa pagbukas ng kanilang lunch box. Sa mga matatakaw naman, wala raw tak0t sa taong gutom na kaya hindi na lang nila titignan ang bento box na ito.

Ang mga nagda-diet naman, sinabing ito ang ideal na bento box para sa kanila. Kapag ganito raw kasi ang inihain sa kanila, siguradong mawawalan sila ng gana at hindi na raw sila makakakain at siguradong maa-achieve nila ang kanilang body goals. Lols

Loading…