Tom Rodriguez makabuluhan ang mensahe para sa kaarawan ni Carla Abellana

  • Isa sa mga kahanga-hangang showbiz couple sina Carla Abellana at Tom Rodriguez
  • Nitong Araw ng Kalayaan, ipinagdiwang ni Carla ang kaniyang ika-34 kaarawan
  • Siyempre, ibang level ang mensahe ni Tom para sa anghel at reyna ng kaniyang buhay

Kasabay ng pagdirwang ng Araw ng Kalayaan ay ipinagdiwang din ng aktres na si Carla Abellana ang kaniyang kaarawan. Siyempre, hindi mawawala ang espesyal na mensahe para sa kaniya ng kasintahang si Tom Rodriguez.

Malalim ang mensahe at kahilingan ni Tom para kay Carla — kasinglalim ng kaniyang pagmamahal sa dalaga. Malalim dahil iniugnay iyon sa kung paano natin inaasam na makamit ang ating mga minimithi.

Iimahe mula sa Facebook page ni Carla Abellana

“At dahil ngayon ay araw ng kalayaan…nawa’y maging malaya kang kamtin ang lahat ng iyong minimithi. Minimithi para sa sarili…sa pamilya…at sa nasasakop ng iyong napakalaking puso na handang magmalasakit sa kapwa,” introduksiyon ni Tom sa kaniyang Instagram post.

Iba rin ang haplos sa puso ng mga ginamit na salita ng aktor.

“Nawa ay pagtibayin pa lalo ng Diyos ang iyong pananalig na ngayon pa lang ay di magiba-giba,” dagdag nito.

Matalinghaga at umaapaw ang damdaming masasalamin sa mensahe ni Tom para sa kaniyang minamahal.

“Panalangin ko na sana ay manatiling bukal ang agos ng kasiyahan at pagkakuntento sa buhay mo. Na kahit may madilim na ulap na dumadapo sa buong mundo at sa katauhan ng ilan, ay manatili ang liwanag ng diwa mo,” ayon pa sa kaniya.

Siyempre, nakakakilig din ang pagkakasabi ng aktor kung gaano niya kamahal ang aktres na tinawag niyang “reyna.”

“Mahal na mahal kita. At habang buhay kong sisikapin na suportahan ang isang anghel na kagaya mo. Maligayang kaarawan, reyna ko!” pagwawakas ni Tom.

Marami ring netizen ang bumati kay Carla at nakiayon sa mensahe ni Tom. Inaabangan din nila ang kasal ng dalawa.

Imahe mula sa Instagram account ni Tom Rodriguez

Maraming salamat sa iyong wagas na pagmamahal sa iniirog mong maganda, mabait at kahanga-hangang dilag na may ginintuang puso na si Carla. Aking dasal ang inyong walang katapusang pagmamahalan at sana mahantong na sa pag-iisang dibdib sa lalong madaling panahon,” komento ng isang netizen.

Sina Tom at Carla ay isa sa mga showbiz couple na hinahangaan ang estado ng relasyon.

Maligayang kaarawan, Carla!

Source :

Instagram

Loading…