Action serye ni Coco Martin, magwawakas na sa Setyembre?

Image by Ang Probinsyano via Facebook
  • Ang Probinsyano ni Coco Martin, magwawakas na sa Setyembre?
  • Kasalukuyang nagte-taping ang cast at producers ng serye sa isang private resort sa Batangas
  • Napapanood pa rin ito sa Kapamilya Channel, Cine Mo!, at iWant

Naging parte na ng evening viewing habit ng maraming Pilipino ang longest-running at top-rating action series ng ABS-CBN na Ang Probinsyano. Kaya lamang, magwawakas na umano ito sa Setyembre.

Image by Ang Probinsyano via Facebook

Ayon sa PEP, napapabalitang hanggang Setyembre 2020 na lamang ang itatagal ng serye o limang taon makaraang magsimula itong i-ere noong September 28, 2015. Nalampasan na rin nito ang tagal ng Mara Clara na tumagal ng apat na taon at anim na buwan.

Sa kasalukuyan, muling napapanood ang serye sa cable channel na Kapamilya Channel, ABS-CBN TV Plus channel na Cine Mo!, at streaming app na iWant.

Hindi pa ito available sa free TV dahil inutos ng NTC ang cease and desist sa ABS-CBN dahil sa expired franchise ng network.

Limitado man ang manonood, tuloy pa rin ang suporta ng advertisers sa serye at marami pa rin ang commercial loads nito.

Ipinagpapatuloy ngayon ang taping ng cast na nagdesisyong mag-lock in ng isang buwan sa isang private resort sa Batangas para tapusin ang mga eksenang kailangan nilang tapusin.

Nabanggit din na sumailalim sa COVID-19 rapid testing ang lahat ng cast at production ng Ang Probinsyano bilang pagtalima sa general quarantine guidelines ng pamahalaan para sa pagbabalik taping at shooting ng mga TV show at pelikula.

Image by Ang Probinsyano via Facebook

Samantala, hindi umano pumayag dito si Susan Roces na ginawan na lamang ng staff ng paraan para mag-taping sa sarili nilang tahanan.

Ngayong nasa ika-pitong season na, mas tumitindi ang mga eksenang nagaganap at labanan ni Cardo Calisay, ang bida sa serye na ginagampanan ni Coco Martin, sa mga masasamang loob.

Maraming tagahanga ang umaasa na sana’y ma-extend pa ito.

Image by Ang Probinsyano via Facebook

Loading…