Traditional jeepney mas ligtas laban sa COVID-19 transmission kaysa modern jeepney na de-aircon – IBON Foundation

Imnahe mula sa Licas News Ph
  • Isang grupo ang nagsabing mas ligtas ang tradisyunal na jeepney kumpara sa modern jeepney sa pagpigil ng COVID-19 transmission
  • Sinabi ng IBON Foundation na mas madaling kumalat ang mikrobyo sa loob ng de-aircon na sasakyan
  • Ayon pa rin sa IBON, ilang bansa na ang nagpapatupad ng paglalagay ng mas maraming bentilasyon sa kanilang public transportation upang maiwasan ang COVID-19 transmission

Naaabala na ay inalisan pa ng mas ligtas na uri ng transportasyon ang mga pasahero ngayong may COVID-19 pandemic dahil mga modern jeepneys na de-aircon lang ang papayagang pumasada at hindi ang mga tradisyunal na pampasaherong jeep.

Imnahe mula sa Licas News Ph

Ito ay ayon sa IBON Foundation, isang non-profit research, education and information-development institution.

Ayon sa grupo, ang paniniwala ng gobyerno na may peligro na magkahawahan ng COVID-19 sa mga traditional jeepney dahil sa seating arrangement nito ay walang basehan, lalo na’t maraming pag-aaral ang nagsasabing ang mga air conditioner ay nakakapag-ambag sa pagkalat ng mikrobyo.

“The traditional open-air jeepney is likely even safer against COVID-19 than its air-conditioned modernized counterpart. With the pandemic still ongoing, insisting on jeepney modernization unnecessarily puts commuters at risk of possible airborne coronavirus infections,” ayon sa IBON.

“Most coronavirus transmissions are acknowledged to occur via droplet infection, from coughing and sneezing, and partly through contaminated surfaces.  Nonetheless, recent studies show that the number of pathogens increases considerably in enclosed spaces and that regular ventilation reduces the risk of infection,” dagdag pa nito.

Imahe mula sa OROTSCO

Kahit na umano ipinatutupad ang physical distancing sa enclosed modern jeepneys ay maari pa rin itong maging sentro ng pagkalat ng coronavirus kumpara sa mga tradisyunal na pampasaherong jeep na may natural ventilation.

Ayon pa rin sa grupo, ilang bansa na ang nagpapatupad ng paglalagay ng mas maraming bentilasyon sa kanilang public transportation. Tulad na lang sa Thailand na nag-atas sa public transport operators na buksan ang mga bintana para sa good air ventilation.

DFA Sec. Locsin, mas gusto ang disenyo ng Sarao Jeepney kaysa mga modern jeepney

Sa China naman ay ipinag-utos na gumawa ng mga window air vents sa mga bus na de-aircon upang makapasok ang fresh air.

Loading…