Trending: Lalaki gumawa ng ‘sariling ecosystem’ pangontra sa COVID-19

  • Nagsuot ng transparent material na may lamang mga halaman ang isang lalaki bilang proteksyon sa COVID-19
  • Nakakuha ng atensyon sa social media ang larawan ng lalaki
  • Mukhang hindi inirerekomenda ng mga eksperto ang ginawa sa trending post

ANKARA, TURKEY — Kabilang sa mga paraan para maiwasang mahawa ng COVID-19 ang palagiang pagsusuot ng face mask lalo na kapag pumupunta sa lugar na maraming tao. Kakaiba naman ang ginawa ng isang lalaki na nagsuot ng ‘sariling ecosystem’.

Image by Meltem Babaoglu via Twitter

Makikita sa social media post ni Meltem Babaoglu ang lalaking tinakpan ang buong mukha ng transparent material na naglalaman ng ilang halaman para mayroon umanong suplay ng oxygen at maiwasang magkaroon ng COVID-19.

Translasyon ng kapsyon sa post, “The most original mask I have ever seen.”

Agarang nakakuha ng atensyon mula sa mga netizens ang “innovation” na ginawa ng lalaki.

Sabi ng isa, “He’s living in the future!” Samantalang mayroon namang nagkumento na papaano na lamang kung may mga langgam sa loob.

Nabanggit din na hindi isandaang porsyenton ang nagagawa ng face mask kaya’t inaabisuhan pa rin ang mga mamamayan na ‘wag hawakan ang kanilang bunganga at ilong kapag nasa labas.

Maliban dito, kinakailangan ding palaging hugasan ang kamay ng anti-bacterial soap.

Mukhang hindi naman inirerekomenda ng mga eksperto ang paggawa ng ‘sariling ecosystem’ dahil maraming halaman ang kailangan para ma-sustain ang buhay ng tao.

Image by Meltem Babaoglu via Twitter

Ayon sa Gizmodo, ang pananatili sa “airlock” ay nangangailangan ng 50-litro ng oxygen kada oras samantalang bawat dahon ay tinatayang naglalabas ng five milliliters ng oxygen kada oras (depende sa klase ng halaman).

Dahil dito, kinakailangang nasa loob ng isang kuwarto na mayroong libo-libong halaman para mabuhay. Bilang karagdagan, mahirap ding matantiya kung gaano karaming carbon dioxide ang na-a-absorb ng mga halaman.

Nagdala man ng katuwaan sa social media ang lalaki, ‘wag po itong gagayahin.

Photo from Pexels

Loading…