Tricycle drivers sa Baliwag, Bulacan ginawang mall delivery riders

  • May partnership ang lokal na pamahalaan ng Baliwag, Bulacan sa SM City Baliwag
  • Gagawing food delivery riders ang mga tricycle drivers na hindi nakapamasada dahil sa community quarantine
  • Ito raw ay alternatibong solusyon upang masolusyunan ang suliraning pangkabuhayan ng mga tricycle drivers na lubusang naapektuhan ng krisis

Masayang-masaya ang mga tricycle drivers sa Baliwag, Bulacan matapos ang partnership ng lokal na pamahalaan at pamunuan ng SM City Baliwag upang magkaroon ng alternatibong pangkabuhayan ang mga naturang drivers na hindi makapamasada dahil sa ipinatutupad na community quarantine na dulot naman ng COVID-19 pandemic.

Tinawag ang programang ito na “Wheels On-the-Go ” na magbibigay ng trabaho sa mga triycle drivers sa pamamagitan ng delivery service para sa mga customers na oorder ng pagkain mula sa mall, upang hindi sila lumabas pa sa kani-kanilang mga tahanan.

Imahe mula sa Manila Times

Kasama sa naturang programa ang oryentasyon para sa mga bagong delivery riders, na bibigyan naman ng sapat na protective gear, uniforms, at flexible working hours. Maaaring kumita ang bawat tricycle driver ng  100 piso sa bawat isasagawa niyang delivery.

Para sa mga order, maaaring tumawag ang mga customers sa Baliwag Delivery Services hotlines. Bawat customer ay magkakaroon ng partner delivery rider na siyang mamimili ng mga order sa loob mismo ng SM City Baliwag, na idedeliver mismo sa kanilang mga tahanan, kaya ng iba pang mga delivery apps. Cash lamang ang maaaring ibayad sa mga tricycle drivers na ito.

“Because of the growing demand for food delivery, tricycle drivers benefited from the bulk orders generated from SM City Baliwag. Bulacan 3 Wheels On-the-Go is one of the many ways the mall supports the community,” ayon sa panayam kay SM City Baliwag Mall Manager Rodora Tolentino.

Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Magandang pagkakataon ito para sa ating mga tricycle drivers! In-demand naman kasi talaga ang delivery services ngayon. Kudos sa Baliwag local government!” sabi naman ng isa.

Turan naman ng isa, “Buti pa sa Baliwag naisip nila ito! Sana mabigyan din ng alterbative livelihood ang mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa community quarantines.”

Public Domain Image

Kudos sa lokal na pamahalaan ng Baliwag sa inobasyong ito!

Source :

Manila Times

Loading…