Tsuper tatays, nakatanggap ng Father’s Day gift mula sa kind organization

Image by Pagasa - People for Accountable Governance and Sustainable Action via Facebook
  • Mga tatay na drayber, pinagkalooban ng food packs ng isang civil society organization
  • Tigil pa kasi ang trabaho ng maraming tsuper dahil sa quarantine measures ng pamahalaan
  • Nananawagan ang mga tsuper sa pamahalaan na muling silang payagang mamasada

Ipinagdiwang noong Linggo ang Father’s Day bilang pagpupugay sa pagsisikap ng mga ama na makapagbigay ng magandang buhay at kinabukasan para sa pamilya, pero papaano na lamang sila at ang kanilang pamilya gayong tigil ang kanilang trabaho?

Image by Pagasa – People for Accountable Governance and Sustainable Action via Facebook

Kabilang kasi sa mga natigil kasabay ng pagpapatupad ng quarantine measures ng pamahalaan ay ang pamamasada at marami sa kanila ang hindi pa nakababalik sa trabaho.

Kaya’t labis ang pasasalamat ng mga tsuper na tatay ng Maynila sa isang civil society organization dahil sa kaloob nilang food packs na naglalaman ng bigas, canned goods, tinapay, gulay at iba pang pagkain.

Kasabay ng pagtulong ay nasabi ng People for Accountable Governance and Sustainable Action (Pagasa) na malaki na ang paghihirap ng mga tsuper simula nang matigil ang trabaho sa sektor ng transportasyon.

Kaya’t panawagan nila na sana’y payagan na ang mga itong muling makapamasada para sa kani-kanilang pamilya. “Let our Tatays get back on the road.”

Ani Pagasa volunteer CJ Despuez, “Talagang ang gusto ng ating mga driver at kahit naman tayo lahat, ibalik ‘yung kabuhayan natin lalong lalo na ng ating mga driver na makabalik sila sa pamamasada. Hindi tama na sabihin na humanap na lang sila ng ibang trabaho.”

Image by Pagasa – People for Accountable Governance and Sustainable Action via Facebook

Makikita sa social media account ng organization na hindi lamang sa Manila kundi marami pang lugar ang tinutulungan ng grupo.

Nawa’y dumami pa ang katulad ng grupong ito na patuloy na nagsusumikap para matulungan ang mga naghihirap nating kababayan. Saludo po kami sa inyo. At sana nga ay dumating na ang panahon na ligtas na at muling makapagtrabaho ang mga tsuper tatay, in the nearest possible time.

Image by Pagasa – People for Accountable Governance and Sustainable Action via Facebook

Loading…