Tuloy ang kaso! Ysah pinasinungalingan ang pahayag ni ‘Xander Ford’ na nagkapatawaran na sila, pina-Tulfo na

Image by Ysah Cabrejas via Facebook
  • Pinasinungalingan ni Ysah Cabrejas ang pahayag ni Xander Ford na nagkaayos na sila
  • Sabi ni Ysah, tuloy ang kaso at walang naganap na pagpapatawad
  • Suportado ng netizens ang hakbang na ginagawa ng dalaga at ang isyu nila ay ipinaabot na sa Raffy Tulfo in Action

Mariing pinabulaanan ni Ysah Cabrejas ang mga pahayag ng ex-boyfriend nito at social media influencer na si Marlou Arizala na – mas nakilala bilang Xander Ford – na nagkapatawaran na umano sila at tapos na ang hidwaang naganap sa kanila.

Image by Ysah Cabrejas via Facebook

Pahayag ni Ysah sa Facebook, “Lol, sinungaling talaga. Hindi po to totoo. Hindi okay ang lahat at hindi kami nagkapatawaran. Tutuloy ko kaso, need ko justice sa ginawa mo.”

Matatandaang matitindi ang mga akusasyong ipinupukol ni Ysah kay Marlou kagaya ng pagiging magagalitin at sinasaktan siya nito kapag hindi siya pinagbibigyan sa kagustuhang makipagtalik kahit na may dalaw ito.

Masyado umanong ti-nake advantage ng social media influencer ang pagkababae niya at sinabing hindi siya tatantanan hanggang mabuntis ito.

Wika nito, masakit din umano ang pambabaliktad na ginagawa ng taong minahal niya sa kanya sa social media para lamang malinis ang imahe nito sa publiko.

Sinabi kasi ni Marlou nitong Huwebes na nagkaayos na umano sila. “Nagkapatawaran na kami ni Ysah, ng ex-girlfriend ko, wala nang kasuhang mangyayari at wala nang demandahan. Sana, sa mga manonood diyan, ‘wag na kayong makisawsaw sa mga isyu namin,” ani ng binata.

Image by Marlou Arizala via Facebook

Sabi ni Ysah sa isang post, mag-acting workshop pa raw uli si Marlou dahil kulang pa ang pag-iinarte nito.

Suportado naman ng maraming netizens ang dalaga, at hinikayat pang manindigan sa totoong nangyari at ipaglaban ang karapatan.

“Mabuti na lamang at hindi ka nabuntis. Tama lang na iniwan mo siya, may respeto ka sa sarili.”

“‘Wala siyang karapatang gawin ‘yan sa babae, grabe na ‘yan. Dapat hindi mo pinatagal ang ginagawa niya sa iyo.”

Samantala, narito ang pahayag ni Ysah sa Raffy Tulfo in Action at ang tulong na ibinigay ng team sa kanya:

Loading…