Umorder na! Kris Aquino mamimigay ng 8 laptops ngayong pasukan

Imahe screenshot mula sa Facebook post ni Kris Aquino
  • Kris Aquino mamimigay ng 8 laptop sa masuwerteng mga magulang
  • Handog umano niya ito para sa edukasyon at kinabukasan ng mga bata
  • Abangan lamang ang nasabing pakulo sa kaniyang mga social media account

Dahil malapit na ang pasukan ng mga bata at tila kasado na rin ang online learning, sino nga ba ang hindi naghahangad ng gadget na kakailanganin para sa pag-aaral ng ating mga anak?

Sa mga magulang na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung saan maghahagilap ng laptop, ito na marahil ang pagkakataon ninyong makatanggap ng libre — mula kay Kris Aquino.

Imaeh screenshot mula sa Facebook ni Kris Aquino

Ito ay matapos ianunsiyo ni Kris sa kaniyang social media account na mamamahagi siya ng 8 units ng 2-in-1 laptop para sa mga masuwerteng magulang.

“COME WHAT MAY, ano man ang PAGSUBOK, GAGAWIN ko ang makakaya ko para tumulong sa kapwa para MAKABANGON tayong muli… i have read your requests kaya pinagisipan ko at nagawan ng paraan,” kuwento ni Kris.

Sa katunayan umano, bahagi ng Queen of All Media, nakapag-order na siya sa Shopee at ang pinakamaagang delivery nito ya sa Hunyo 29.

Imahe mula sa Instagram ni Kris Aquino

“Homeschooling ngayon, i want to invest in the FUTURE of the Philippines. Para ito sa kinabukasan ng ating mga anak- helping their EDUCATION,” dagdag pa ng aktres.

Ang sinumang gustong suwertehin ay maaari lamang i-follow at i-like sa Facebook at Instagram ang naturang post ni Kris Aquino.

“Kwentuhan nyo ko tungkol sa mga anak ninyo… My @cornerstone family will help me choose sino ang 8 families ang makaka-receive ng 2 in 1 laptop,” paghihimok ng TV host-aktres.

Imahe screenshot mula sa Facebook post ni Kris Aquino

Ang masuwerteng mananalo ay iaanunsiyo ni Kris sa darating na Hulyo 1 kung saan inaasahan niyang makakakuwentuhan niya kaniyang mga tagahanga.

Maaari lamang puntahan ang mga account ni Kris sa Facebook at Instagram upang masubaybayan ang nasabing pakulo.

Loading…