Underground Chinese clinic na ni-raid noong Mayo, hindi natigil ang operasyon

Image capture of video by GMA News | YouTube
  • Underground Chinese clinic na ni-raid ng NBI noong Mayo, tuloy ang operasyon
  • Apat na Chinese nationals ang natimbog sa panibagong operasyon
  • Naniniwala si Col. Robin Sarmiento na marami  pang underground Chinese clinics sa siyudad

Hindi natinag ng pagsalakay ng mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Mayo 29 ang operasyon ng isang underground Chinese facility na nagsasagawa umano ng COVID-19 rapid testing sa mga Chinese nationals.

Photo from Pixabay

Kamakailan lamang ay muling nagsagawa ng operasyon ang mga miyembro ng Parañaque City police makaraang makatanggap ng mga ulat na may mga nakikita pa ring Chinese nationals na pumapasok sa Multinational Subdivision, Barangay Moonwalk, batay sa Manila Standard.

Timbog ang apat na Chinese nationals na nakilalang sina Liang Junshai, Pingqiang Long, Yanyun Jiang, at Tang Hong Shan sa operasyon. Sinubukan pang tumakas ng isa sa kanila sa pamamagitan ng pagtalon sa third floor ng establisimyento.

Kabilang sa mga nakuha sa operasyon ang ilang kahon ng dextrose, beach chairs, di-rehistradong Chinese medicines na ginagamit sa panggagamot ng respiratory illness, swab samples, face masks at gloves.

Naniniwala naman si Col. Robin Sarmiento na mayroon pang mga underground Chinese clinics sa siyudad dahil na rin sa dami ng mga Chinese nationals na pansamantalang naninirahan sa lugar.

Batay sa tala ng Business and Licensing Office ng siyudad, nasa 19 legal POGO operations ang gumagana sa lugar na tinatayang may 35,000 hanggang 40,000 Chinese nationals na empleyado.

Patagong COVID-19 testing clinic na eksklusibo para sa Chinese POGO workers, nabisto ng NBI

Matatandaang nauna mang naibahagi ng Virtual Pinoy ang isa pang operasyong isinagawa ng mga ahente ng NBI sa isang di-rehistradong klinika sa Las Piñas na nagsasagawa ng rapid-testing sa mga Chinese nationals.

Screenshot mula sa GMA video

Pahayag ni NBI Special Investigator Ruiz, nakasuot pa ng personal protective equipment ang isang Chinese doctor na nagsasagawa ng rapid testing nang salakayin nila ang klinika kasama ang ilang kinatawan mula sa Food and Drug Administration.

“Pagpasok po namin kanina dito, kasama namin ang mga colleagues sa Food and Drug Administration, na-find out po natin na itong naka-PPEs was manning the COVID-19 rapid test,” ani Ruiz.

Loading…