Utang ng Pinas para sa COVID response, pumalo na sa $5.8-billion – Palasyo

Image by Harry Roque via Facebook/Photo from Pixabay
  • Utang ng Pilipinasa para sa COVID-19 response, umabot na sa $5.8-bilyon
  • Malaking bahagdan ng utang ay galing sa Asian Development Bank (ADB)
  • Hindi kasali rito ang P353.56-bilyon na galing sa national budget para pondohan ang SAP, small wage subsidies at iba pa

Pumalo na sa tinatayang $5.8-bilyon ang utang ng Pilipinas sa pagtugon nito sa COVID-19 pandemic, saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Image from UNTV video via YT

Wika ni Roque, karamihan sa mga utang ay nanggaling sa Asian Development Bank (ADB), World Bank (WB), at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).

Pahayag nito, “Meron na po tayong naiutang na $5.758 billion, ‘yan po ang sumatutal ng ating naiutang na para sa COVID responses. Ito po ay galing sa ADB, ito po ay galing sa World Bank, ito po ay galing sa, kung ‘di po ako nagkakamali, meron din pong AIIB.”

Hindi kasama dito ang P353.56-bilyon na galing sa national budget na ini-allocate ng Department of Budget and Management (DBM) para pondohan ang social amelioration program, small wage subsidies at iba pa.

Pero, paglilinaw ni Roque, hindi agad nakukuha ang mga perang inuutang dahil dadaan pa ito sa mahabang proseso.

Batay sa datos na ibinahagi ng spokesperson, ang mga nautang sa ADB ay ang nasa $1.5-bilyon ilalim ng ADB COVID-19 Active Response and Expenditure Support Program, nasa $200-milyon sa ADB Social Protection Support Project (Second Additional Financing), nasa $400-milyon sa ADB Support to Capital Market Generated Infrastructure Financing Subprogram 1,  nasa $3-milyon sa ADB Emergency Response Project, at nasa $5-milyon sa ADB Rapid Emergency Supplies Provision.

Image by Asia Development Bank

Ang mga utang naman sa WB ay ang WB Third Disaster Risk Management Development Policy Loan na nasa $500-milyon, WB Emergency COVID-19 Response Development Policy Loan na nasa $500-milyon, WB Social Welfare Development and Reform Project II (Additional Financing) na nasa $200-milyon, at WB COVID-19 Emergency Reponse Project na nasa $100-milyon,.

Samantala, ang mga utang sa ilalim naman ng Republic of the Philippines (ROP) Bonds ay ang ROP Bonds Due 2045 na may 2.950% coupon at nagkakahalaga ng $1.350-bilyon; at ang ROP Bonds Due 2030 na may coupon na 2.457% at nagkakahalaga ng $1-bilyon.

Photo from Pixabay

Loading…