Vendor na nagbigay ng juice sa lalaking may kapansanan, hinangaan

Imahe mula sa Facebook | Pauline Louise Vizcarra
  • Marami ang humanga sa isang tindero na nakuhanan ng video habang inaabutan ng juice ang isang lalaking nagtutulak ng kariton
  • Ayon sa netizens, ang kapwa mahirap talaga ang may puso para sa mga kagaya nilang salat sa buhay
  • Nagpasalamat din ang ilan dahil nagdulot ito ng good vibes sa gitna ng mga negatibong pangyayari sa bansa

Hindi lamang sa kalusugan naramdaman ang epekto ng COVID-19 dahil marami ring mga kabuhayan na naapektuhan. Sa kabila nito ay hindi pa rin nawawala ang mga Pilipino na handang tumulong sa kanilang kapwa – may pera man sila o wala.

Imahe mula sa Facebook | Pauline Louise Vizcarra

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang vendor na nakuhanan ng video habang inaabutan ng juice ang isang lalaking may kapansanan na nagtutulak ng kariton. “Too much generosity in this video,” sabi ng netizen na si Pauline Louise Vizcarra sa video na ngayon ay may mahigit 38k reactions at 20k shares na.

Naka-tag din dito si JA MIR at may location tag na GMA Cavite.

Napahanga rito ang netizens at sinabing patunay itong ang mga nakaranas ng hirap sa buhay ay mas nakauunawa sa mga kapwa nila na salat din. “Kung naranasan mo ang kahirapan, maiintindihan mo ang nararamdaman nila,” komento ni Son Lee.

“Kahit mahirap at may krisis tayo, may mga tao talagang may mabuting kalooban,” sabi naman ni J. Ante.

Imahe mula sa Facebook | Pauline Louise Vizcarra

Sabi naman ni Marc Ed, tila simpleng bagay lamang ito para sa ilan ngunit maaaring malaking bagay ito para sa lalaking tinulungan ni Jamir lalo na at nakitaan ito ng “priceless” na ngiti matapos na abutan ng inumin.

“Salamat kuya, napawi ang uhaw niya,” sabi ng isang netizen.

Sa comment section naman ay ipinagtanggol ni Jamir ang uploader sa mga nagsabing mabuti pa siya ay tinulungan ang lalaki. “Mahirap manghusga sa taong hindi kilala. Pero salamat na-appreciate mo po yung video,” aniya.

Marami rin ang nagpasalamat kay Jamir dahil nagbigay siya ng good vibes sa gitna ng kinahaharap na pandemya ng bansa. “Salamat sa pagpapaalala na kaya pa rin nating maging mabuting tao,” ani Rei R.

Good job, Jamir!

Panoorin ang video:

Source :

Facebook

Loading…