Victory Liner nagbawas ng higit 400 empleyado para maka-comply sa polisiya ng pamahalaan

Imahe mula sa Victory Liner
  • Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatanggal ng mga empleyado ang Victory Liner bus company
  • Mahigit 400 regular at probationary employees ang inisyal na aalisin
  • Kapag ipinatupad na ang cashless payment transaction sa mga bus ay tiyak na mawawalan din ng trabaho ang 1,000 bus conductors ng kumpanya

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 75 years ng kanilang operasyon ay magbabawas ng daan-daang mga empleyado ang bus company na Victory Liner, Inc. upang maka-comply sa polisiya ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Victory Liner

Ang Victory Liner, na isa sa pinakamalaking bus company sa buong Luzon na mayroong 1,200 bus, ay magbabawas ng 100 regular employees at 309 probationary workers ngayong buwan ng Hunyo.

“This is the first time in 75 years that this happened. In all those years wala naman tayong layoffs na ginawa. This only means na meron talaga tayong economic problem,” pagsisiwalat ni Victory Liner operations manager Alex Briones.

Aniya, ang 1,200 bus units ng Victory Liner ay nabili sa pamamagitan ng loan at kailangan nilang patuloy na magbayad kahit hindi kumikita ang kumpanya.

Matatandaang tumigil ang operasyon ng mga bus companies at iba pang transport groups nang ideklara ng pamahalaan ang  enhanced community quarantine sa buong Luzon noong kalagitnaan ng buwan ng Marso.

Nakakuha naman umano ng special permit ang kumpanya na makabiyahe sa Olongapo, Sta. Cruz at Iba, Zambales pero hindi iyon sapat para gumanda ang pinansyal na katayuan ng Victory Liner dahil 22 bus units lang ang bumibiyahe.

“Walang pumapasok na pera sa company. Medyo hirap na kami financially,” sabi ni Briones.

Imahe mula sa Victory Liner

Sa sandaling umayos ang sitwasyon, ang mga tinanggal na empleyado ay maaari pang bumalik sa kumpanya, subalit malabo pa iyong mangyari sa mga susunod na buwan dahil inaasahan pa nila ang panibagong pagbabawas ng mas marami pang empleyado.

Ito ay bunsod sa polisiya na ipatutupad ng pamahalaan na 50% load capacity sa mga bus at ang implementasyon ng cashless payment.

“If ever the government will put the changes doon sa cashless transaction, ‘yun ang mabigat sa amin kasi matatanggalan ng trabaho ang konduktor niyan, eh. Ang konduktor namin ang population niyan nasa 1,000,” paliwanag ni Briones.

Aabot sa P1 million hanggang P1.5 million kada bus ang magagastos ng kumpanya para sa modernisasyon ng bus fleet nito upang maka-comply sa requirements ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Imahe mula sa Victory Liner

Loading…