Video ng tinderong gumagawa ng masining na cotton candy, nagdulot ng kaaliwan

  • Natuwa ang mga netizens sa tinderong   may art sa kanyang panindang cotton candy
  • Makikita sa kaniyang video ang iba’t ibang mga hugis at anyo ng cotton candy na kaniyang itinitinda

Isa sa mga kinagigiliwang street food ang mga “cotton candies” na makikitang inilalako sa mga kalsada. Karaniwan itong kulay-pink, kulay-green at marami pang iba. Paborito itong bilhin ng mga magulang para sa kanilang mga anak, na kadalasan ay makikita sa tabi ng simbahan at mga parke.

Kaya naman, kinatuwaan ng mga netizens ang video ng isang street vendor na gumagawa ng cotton candy; subalit hindi karaniwang cotton candy ang kanyang specialty kundi “creative cotton candies.”

Image capture mula sa Facebook

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens na namangha sa kanilang napanood na video.

“Some people are so lucky to be so artistic! My end product never looks like my initial vision!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “I would have never imagined something like this could BE done. I love creativity in people! Beautifully artistic but I never liked cotton candy.”

“He is so talented. I don’t like cotton candy but I’d love watching him work,” pahayag naman ng isa.

Saad naman ng isa, “The problem is that I wouldn’t want to eat it but keep it for decorations. ..they are too pretty to be eaten.”

Paano niya ito ginawa? Iclick ang imahe para mapanood ang video.

Image capture mula sa Facebook

Ang cotton candy ay isang spun sugar confection na maihahalintulad sa isang de-kulay na bulak na dulot ng food coloring. Tinatawag naman itong “candy floss” sa mga bansang United Kingdom, Ireland, New Zealand, Egypt, India, Sri Lanka, at South Africa. Sa Australia, tinatawag naman itong “fairy floss.”

Sa totoo lang, nakahihinayang itong kainin kasi napakaganda eh.

Panoorin na lang natin kung paano nila ito ginagawa!

Loading…