Viral: Yorme, VM Honey napaindak sa magagandang tugtugin sa Mehan Garden

Screenshot mula sa video ni Yorme
  • Viral sa Facebook ang video ni Mayor Isko dahil sa pagsasayaw nila ni Vice Mayor Honey Lacuna sa Mehan Garden
  • Nagbigay ng update si Yorme sa mas pinagandang Mehan Garden na puno ng mga kumukutikutitap na mga ilaw na tila sumasabay sa tiyempo ng musika
  • Inihalintulad ni Mayor ang mga palilaw sa Mehan Garden sa Ayala Triangle sa Makati City na dinarayo ng mga tao sa tuwing kapaskuhan

Viral ngayon sa social media ang video na ibinahagi ni Mayor Isko Moreno kung saan ipinakita niya ang mas pinagandang Mehan Garden. Kasama niyang naglibot doon si Vice Mayor Honey Lacuna at iba pa.

Screenshot mula sa video ni Yorme

Ang mga puno, poste, gusali at tubig sa fountain sa garden ay nilagyan ng iba’t ibang kulay ng mga ilaw na tila sumasabay sa tiyempo ng musika. Parang ‘yung nakikita sa Ayala Triangle sa Makati City tuwing kapaskuhan.

Hindi lang dahil sa ganda ng Mehan Garden kaya nag-viral ang video. Marami ang natuwa nang makitang napaindak ng sayaw si Yorme at si Vice Mayor Honey Lacuna sa magandang tugtugin na sinasabayan ng mga ilaw.

Unang napaindak si Yorme at Vice Honey sa kantang “Manila” na pinasikat ng grupong Hotdog at ang sumunod ay sa saliw ng “Tayo ay Magsayawan” ng VST and Company.

“Walang kupas si yorme sa pag-indak parang nasa That’s Entertainment lang,” komento ng isang netizen.

“You are superb yorme and very talented at graceful sumayaw,” sabi pa ng isa.

Hanggang sa matapos ang paglilibot ng grupo ay makikitang patuloy pa rin siya sa pagsasayaw si Yorme.

Screenshot mula sa video ni Yorme

Noong nakaraang taon pa sinimulan ang pagpapaganda sa Mehan Garden upang muli iyong buksan sa publiko. Sinabi ni Yorme na isinara ang garden dahil sa mga bandalismo at ang mga ‘di-kanais-nais na ginagawa ng mga istambay sa loob ng mga palikuran sa paligid nito.

Lumabas ang tunay na ganda ng parke nang matapos ang paglilinis at pagsasaayos niyon.

“Panis ang Ayala Triangle,” biro ni Yorme noon.

Hinikayat niya ang publiko na tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng Mehan Garden.

Look: Napaindak sina Yorme at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan sa ganda ng awitin sa pinagandang Mehan Garden! – cos

Posted by Isko Moreno Domagoso on Monday, June 22, 2020

 

Loading…