Vivian Velez, may patutsada kina Catriona Gray, Pia Wurtzbach

Imahe mula sa Instagram | Vivian Velez at Instagram | Pia Wurtzbach
  • May hirit si Vivian Velez sa beauty queens na sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach na kapwa tutol sa Anti-Terrorism Bill
  • Sabi ni Vivian, ang panukalang batas na ito ay proteksyon ng mga mamamayan laban sa terorismo
  • Paliwanag naman ni Catriona, ang pagtutol dito ay hindi nangangahulugang pagpanig sa mga terorista

Nagpasaring ang aktres na si Vivian Velez sa mga beauty queen na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na kapwa nagpahayag ng pagtutol sa Anti-Terrorism Bill.

Imahe mula sa Facebook | Vivian Velez

Sa kani-kanilang Instagram accounts ay nagpahayag sina Catriona at Pia ng kanilang saloobin tungkol sa nasabing panukala.

Ani Catriona, nag-research siya tungkol sa Anti-Terror Bill bago nagkaroon ng konklusyon tungkol dito. Nag-iwan din siya ng link sa kaniyang mga source. “I’m not here to influence you to think a certain way, but I hope I can influence you to think for yourself. #JunkTerrorBill.”

“I’ve been overwhelmed with emotion lately and I’ve been struggling to put it into words…One thing I know for sure is I want to keep learning. I want to keep growing. And I want to see and be part of a change. Stop hate, injustice, and racism,” sabi naman ni Pia. May hashtag din itong Junk Terror Bill.

Kinuwestiyon ni Vivian kung talaga bang nabasa ng dalawa ang panukalang batas.

“This bill is our protection from terrorism, as simple as that. It has [fool] proof safeguards for abuse. Also, if we cannot enforce any anti-terrorism law, we might become a terrorist haven,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

Paliwanag naman ni Catriona sa kaniyang Twitter posts, hindi nangangahulugang pro-terrorism ang mga naninindigan laban sa Anti-Terror Bill.

“Holding the stance of #JunkTerrorBill DOES NOT EQUATE to being pro-terrorism. Making the stand of #JunkTerrorBill does NOT equate to supporting violence or terrorists. Nor does it imply that we ignore or condone the damage, hurt, and conflict that exists in the Philippines and affects so many of our countrymen because of terrorism,” pahayag ni Catriona.

“Rather, #JunkTerrorBill is a call to #ReviseTerrorBill (because it can be…and should be better) if the need is indeed urgent during this time.”

Dagdag niya pa, mahalaga ang anti-terrorism bill upang maprotektahan ang bansa at ang mga mamamayan nito ngunit hindi dapat magpasa ng batas na maaaring pag-ugatan ng pang-aabus0 ng kapangyarihan at paglabag sa karapatang pantao.

Hirit naman ni Vivian, tila confused si Catriona. “For the people of Mindanao, the Anti-Terrorism Bill is their silver lining. And I thank you!”

Loading…