Walang “fowl play” na naganap: Kaso ng nawawalang 17,000 manok sa Cebu City nabigyang-linaw na

Imahe mula sa 21Food
  • 17,000 dressed chicken sa Cebu City naglaho raw na parang bula
  • Humiling ng imbestigasyon ang isang city councilor upang mahanap ang missing dressed chickens
  • Nabalitaan umano ng konsehal na sa mga empleyado ng city hall at barangay ibinigay ang mga manok at ibinenta sa mga residente
  • Malinaw namang naipaliwanag ng konsehal na in-charge sa distribution ng mga manok kung saan napunta ang mga iyon

Noong nakarang linggo ay nanawagan si Cebu City Councilor Joy Augustus Young kay Mayor Edgardo Labella na imbestigahan ang kaso ng libo-libong dressed chicken na, aniya, ay naglahong parang bula at walang bakas na naiwan noong buwan ng Mayo.

Imahe mula sa Cebu CIty PIO

Sinabi ni Young, na kaalyado ng dating mayor na si Tomas Osmeña, na may impormasyon daw siyang natanggap na ang 17,000 dressed chicken na donasyon mula sa isang pribadong kumpanya ay ibinigay umano sa mga empleyado ng city hall at mga barangay sa halip na ipamahagi sa mga residente.

Itinanggi naman ito ni Councilor Eduardo “Edu” Rama Jr.; kaalyado ni Mayor Labella at in-charge sa distribusyon ng mga nasabing dressed chicken.

Sa isinagawang session ng city council noong Miyerkules, June 24, ipinaliwanag ni Rama kung ano ang nangyari sa mga manok na hinahanap ni Young.

Una, sinabi niya na isang kasinungalingan na dressed chicken ang donasyon.

Buhi ni sila, Mister Chairman. Buhi ni nga manok . Fake news nga kanang giingon nga dressed chickens,” mariing sabi ni Rama sa kanilang session na ginawa sa pamamagitan ng Zoom. [Buhay sila,  Mister Chairman. Buhay ang mga manok na iyon. Fake news ang ideya na dressed chicken sila.]

Imahe mula sa Alibaba

Nakatipid pa nga raw ang city government ng P300,000 dahil nakakita sila ng isang kumpanya na hindi naningil sa dressing at storage ng mga manok.

Nilinaw niya na 16,464 live chickens ang donasyon at hindi 17,000 dressed chicken. Inisa-isa rin niya ang mga barangay na tumanggap ng dressed chicken.

Sa kabuuan ay nakapagpamahagi sila ng 17,245 dressed chicken sa mga frontliners at mga residente dahil ang mga nag-volunteer na mag-distribute ng mga manok ay nagbigay rin ng kanilang ambag na dressed chicken.

Ayon pa kay Rama, ang paggiit ni Young na nawawala ang mga manok ay naglalayon lang na magkaroon ng mga hidwaan at ‘di pagkakaunawan ang publiko sa panahon ng pandemya.

Imahe mula sa Facebook account ni Councilor Edu Rama

Sabi naman ni Young, nais lang niyang malinawan kung saan napunta ang mga manok.

Ang deed of donation para sa mga manok ay naaprubahan ng konseho nito lang Miyerkules.

Paliwanag ni Rama, maraming mga kumpanya ang nagdo-donate sa siyudad at lahat sila ay dapat bigyan ng deed of donation. Minabuti ng lokal na pamahalaan na ipamahagi na ang mga donasyon sa mga pamilyang nangangailangan bago pa man makapag-isyu ng deed of donation.

Source :

CDN, Headtopics

Loading…