Walang kyeme: Andi Eigenmann spotted na may bitbit na drum habang naka-angkas sa motor

Imahe mula sa Facebook | Contessa Aubrea Paraico - Carnaje
  • Trending sa social media ang larawan ng aktres na si Andi Eigenmann
  • Naka-angkas kasi siya sa motor na minamaneho ng kaniyang partner habang may bitbit na drum
  • Komento ng netizens, talagang niyakap na ni Andi ang simpleng buhay sa probinsya kasama ang kaniyang bagong pamilya

Marami ang humanga sa simpleng buhay ng aktres na si Andi Eigenmann na kamakailan lamang ay namataan ng isang netizen na may bitbit na drum habang naka-angkas sa motor na minamaneho ng kaniyang partner na si Philmar Alipayo.

Imahe mula sa YouTube | Happy Islanders

Ipinost ni Contessa Aubrea Paraico-Carnaje ang larawang ito na nagpapakita sa “gorg and classy” na si Andi sa social media. “Saw Andi here in Siargao last week and wala siya kyeme kag arte magdala sang large water tub while naka-angkas sa motor kasama ang hubby niya,” aniya. May hashtags din itong Simple Life at Island Girl.

Sa ngayon ay may mahigit 83k reactions at 47k shares na ang larawang ito.

Nag-react naman si Andi sa larawang ito sa pamamagitan ng pagpo-post nito sa kaniyang Instagram story. Paliwanag niya, “when I buy things, I have to hold it. And pray I don’t drop it ’cause patay tayo kay @chepoxz.” Chepoxz ang username ni Philmar sa IG.

Ibinahagi rin ng News 5 ang larawang ito na inulan ng magagandang komento tungkol sa simpleng buhay ng aktres.

Imahe mula sa Instagram | Andi Eigenmann

“Grabe yung pag-embrace niya sa new life niya. Sana lahat kayang gawin ‘yan. Without any luxurious things, car, or extravagant house, just Philmar and the kids are more than enough,” sabi ni Y. Aya.

“Kitang kita na Andi finds happiness sa piling ng pamilya niya at kaya niyang i-share ang buhay nila dahil proud siya. Kahanga-hanga dahil bihirang makakita ng artista na gumagawa ng ganito lalo pa at taga showbiz ang pamilyang pinanggalingan niya,” komento naman ni Lydia T.

Mula nang maging magkarelasyon sina Andi at Philmar noong 2018 ay sa Siargao na tumira ang aktres. May 10-month-old baby na rin sila na si Lilo.

 

Source :

Facebook, PEP

Loading…