Ynna Asistio emosyonal na ibinahagi kung paano nabago ng lockdown

Imahe mula sa Instagram | Ynna Asistio
  • Nakatulong daw ang lockdown upang mas mapatibay ang pananampalataya ng aktres na si Ynna Asistio
  • Sa isang Instagram video ay inilahad niya ang mga pinagdaanan bago makaabot sa breakthrough
  • Pag-amin ni Ynna, pagod na siya sa buhay na puno ng pagkakasala kaya malaki ang pasasalamat niya sa mga tumulong sa kaniya upang magbago

Sa isang Instagram video ay ibinahagi ng aktres na si Ynna Asistio kung paano nakatulong ang lockdown upang mapatibay ang kaniyang pananampalataya.

Imahe mula sa Instagram | Ynna Asistio

“The lockdown changed me. I’m sure hindi lang ako ang nakapagsabi niyan…Ang dami sa atin, mas napapalapit kay God ever since this started. Maybe because nasa bahay lang tayo and natatakot tayo kasi unti-unti, nakikita natin lahat ng revelations na nasa Bible,” panimula niya.

Kuwento niya, May 21 nang simulan niya ang kaniyang daily devotion ngunit sa sumunod na limang araw ay na-off track kaagad siya dahil sa personal na problema. May 27 na nang muli siyang mag-devotion.

“Humaba yung time ko kay God kasi five chapters yung kailangan kong gawin. And then suddenly, I felt peace while I was on it. Nakaramdam ako ng peace na nag-overflow sa katawan ko, ‘yong kakaibang peace,” pagbabahagi niya.

Imahe mula sa Instagram | Ynna Asistio

“This time, my prayer was, ‘Lord, change me. Change my ways, change my life. Pagod na ako maging sinungaling…Pagod na ako sa secret sins ko. Pagod na ako sa buhay ko. I surrender everything to you.”

Ngayon ay masaya si Ynna dahil dumating na ang pinananalangin na breakthrough para sa kaniya. “I am ready to live a meaningful and truthful life. I am changed,” aniya.

Nagpasalamat din siya sa kaniyang pamilya sa pagmamahal at pagtanggap sa kaniya sa kabila ng kaniyang mga pagkukulang. “I know how bad it affected everyone for so many years. But it’s over,” saad niya. “I also want to thank God for using other people for me to reach this point.”

Panoorin dito ang video:

 

View this post on Instagram

 

My lockdown story ??

A post shared by Ynna Asistio (@asistioynna) on

Source :

Instagram, PEP

Loading…