13 anyos na bumili ng regalo online para sa ina, kinagiliwan ng netizens

Imahe mula sa Facebook | Tin Serrano
  • Marami ang na-touch sa isang teenager na nag-order online ng relo na gusto ng kaniyang ina
  • Kuwento niya sa online seller, nanonood ang kaniyang ina ng vlogs at nagustuhan nito ang suot na relo ng isang influencer
  • Estudyante pa lamang siya kaya naman pinag-ipunan niya raw talaga ang pambili ng regalo para sa kaniyang mahal na ina

Kinagiliwan ng marami ang isang 13 anyos na bata na bumili ng relo online upang i-regalo sa kaniyang ina.

Imahe mula sa Facebook | Tin Serrano

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng online seller na si Tin Serrano ang palitan nila ng mensahe ng isang binatilyo. “Ito na yata yung isa sa pinaka hindi ko malilimutang buyer. 13 years old na gustong bumili ng panregalo sa Mommy niya,” aniya.

Kuwento ng kaniyang buyer, pinag-ipunan niya ang relo dahil nagustuhan ito ng kaniyang mommy nang makita sa vlog ng isang influencer.

“Nanonood po kasi si Mommy ko ng vlog ni Anne Clutz. Nagandahan po kasi si Mommy sa suot niyang relo na naka-tag sa inyo kaya naisipan ko pong hanapin ang Instagram ninyo,” sabi ng bata sa kaniyang mensahe kay Tin.

Imahe mula sa Facebook | Tin Serrano

Nakiusap din siya sa seller na pumili ng bangle na babagay sa relo at magugustuhan ng kaniyang Mommy.

“Paano po ‘yan, Ma’am, once na nagpadala na po ako ng pera, ano pong gagawin ko? Ipadadala n’yo ba kaagad? Natatakot kasi ako baka mawala po ‘yong pera ko. Ang tagal ko po kasing inipon ‘yon. Student pa kang kasi ako,” paliwanag ng binatilyo.

Nang matanggap ang item ay nag-send pa siya ng larawan nila ng kaniyang ina. “Ito na po. Thank you raw po sa pagiging parte ng surprise ko sa kaniya.”

Marami ang na-touch sa ginawang ito ng bata. Sa kasalukuyan ay may 38k reactions at 23k shares na ang post.

“Aww. Melts my heart. Iba ‘yong ngiti nong bata,” ani Z. Reyes.

Good job, little boy!

 

Source :

Facebook

Loading…