17 staff ni Senator Richard Gordon dinapuan ng COVID-19

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Gordon
  • Umabot na sa 17 na staff ni Senador Gordon ang tinamaan ng corona virus
  • Karamihan umano sa kanila ay naka-quarantine na sa mga ospital habang ang iba naman ay nag-self isolate sa mga hotel
  • Maging silang mag-asawa ay naka-self quarantine na rin kasama ang dalawang kasama nila sa bahay

Umabot na sa 17 staff ni Senador Richard Gordon ang nagpositibo sa COVID-19; ito ang kinumpirma ng mambabatas nitong Martes.

Ayon kay Gordon, karamihan sa kaniyang staff na nagpositibo sa virus ay kasalukuyang naka-quarantine na sa iba’t-ibang pagamutan habang ang iba naman ay nag-self isolate sa mga hotel.

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Gordon

Magugunitang sinabi ni Gordon noong nakaraang Sabado na nag-self quarantine na sila ng kaniyang misis na si Kate kasama ang dalawang kasama nila sa bahay matapos magpositibo sa coronavirus ang sampu sa kaniyang staff.

Muling nadagdagan ang bilang nitong linggo dahil tinamaan na rin umano ng virus ang 7 pa sa kaniyang mga empleyado.

“I was exposed and I was really terrified because my wife, you know, Kate is really immunocompromised. I had practically 17 people staff and security, all are in quarantine right now, in QI [Quezon Institute] and in some hotels,” bahagi ni Gordon.

Kinumpirma rin ng senador, na siya ring tumatayong chairman ng Philippine Red Cross, na nadagdagan din ng 45 pa ang bilang ng empleyado ng PRC na dinapuan ng COVID-19.

Imahe mula sa Twitter

“Even some people in the Red Cross. We’ve had 62 people affected, mostly med techs. So this is a disease that we have to really really respect. Don’t take any chances, stay home,” ayon sa mambabatas.

Kaya tama lang umano ang desisyon ng Senado na gawing online na muna ang mga gaganaping session at hearing dahil sa patuloy na banta ng coronavirus.

Pinayuhan din ng senador ang publiko na doblehin ang ingat at kung maaari ay manatili na lang muna sa loob ng kanilang mga bahay.

Loading…