3 komedyante pinadedeklarang ‘persona non grata’ sa Ilocos Sur dahil sa paglabag sa protocol

Imahe mula sa Facebook
  • Ipinadedeklarang persona non grata sa Ilocos Sur sina Long Mejia, Dagul at Gene Padilla
  • Ito ay matapos lumabag umano sa quarantine protocol ang tatlong komedyante
  • Naging arogante umano ang tatlong nabanggit at binalewala ang batas ng lalawigan

Ipinadedeklarang ‘persona non grata’ ni Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson ang mga komedyanteng sina Roberto ‘Long’ Mejia, Romy Pastrana aka Dagul at Gene Baldivia aka ‘Gene Padilla’ dahil sa paglabag umano sa quarantine protocol ng probinsiya.

Imahe mula sa Facebook

Ayon sa pahayag na inilabas ng opisina ni Governor Singson, nagpakita ng pagiging arogante ang tatlong nabanggit at binalewala ang batas ng kanilang lalawigan.

Nangyari umano ang insidente matapos bumisita sina Mejia, Dagul at Padilla at kanilang kasamahan sa Sto. Domingo, Ilocos Sur nang walang pahintulot at koordinasyon sa lokal na awtoridad. Wala rin daw lehitimong pakay ang grupo sa lugar kaya ito ay malinaw na paglabag sa quarantine protocol.

Imaeh mula sa Facebook

Dahil dito mahigpit na kinokondena ni Singson ang ginawa ng tatlong komedyante.

“Their refusal to undergo quarantine protocols, evading checkpoint personnel is another manifestation of violation of our laws, an exhibition of arrogance and impoliteness that should not be tolerated,” anang gobernador.

Kaya nanawagan si Singson sa Sangggunian Panlalawigan ng Ilocos Sur na magpasa ng resolusyon para ideklarang person non grata sina Mejia, Dagul at Padilla.

Imahe mula ABS-CBN

‘These people are personalities of show business with broad patronage, which should all the more be reason that they take it upon themselves to comply to existing rules in a place they visit,” wika pa ng opisyal.

Nagpaalala rin ang gobernador sa publiko na ang lahat ay may responsibilidad na sumunod sa mga alituntunin ng lugar upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus. Sana raw ay magsilbi itong aral sa iba upang hindi na tularan pa.

Sa kasalukuyan ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang kampo ng tatlong komedyante tungkol sa isyu.

Loading…