400 years old na imahen ng Sto. Niño ng Pandacan Parish Church nawawala

Imahe mula sa Sto. Niño de Pandacan Parish Facebook page
  • Imahen ng Sto. Niño sa Pandacan Parish nawawala matapos matupok ng apoy ang simbahan
  • Tinatayang nasa 400 years old na ang imahen
  • Sinabi ni Mayor Isko Moreno na personal niyang tututukan ang paghahanap sa nawawalang imahen

Nilamon ng malaking apoy ang simbahan ng Sto. Niño de Pandacan Parish dakong ala-una ng hapon noong Biyernes, ika-10 ng Hulyo. Sa laki ng apoy ay halos wala nang natira sa simbahan na ang malaking bahagi ay yari sa kahoy.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Ang altar ay bumagsak at ang lahat ng mga upuan ng simbahan ay natupok.

Nang maapula ang apoy ay nailabas ang ilang poon at imahe na nasa loob ng simbahan, ngunit hindi natagpuan ang imahe ng Sto. Niño na diumano ay 400 years old na.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkawala ng imahen sa simbahan na taon-taon ay dinarayo ng mga deboto tuwing Pista ng Buling-Buling.

Isang araw matapos ang sunog, hindi pa rin iyon natatagpuan.

Binisita ni Manila Mayor Isko Moreno ang naabong simbahan at sinabi sa mga mamamahayag na ang paghahanap sa imahen ng Sto. Niño personal niyang pagtutuunan.

“The city will extend assistance to cleaning the rubbles and the main objective is to find the Santo Niño. ‘Yun muna. Then next step, how are we going to participate as a citizen—not as a mayor but as a community member—to revive the church in our own little way,” anang alkalde.

Imahe mula sa Sto. Niño de Pandacan Parish Facebook page

Ipinahayag ni Sr. Supt. Gerrandie Agonos, Manila fire marshall, na patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente, pero ang nakikita nilang sanhi ng sunog ay “electrical fire due to short circuit.”

Tungkol sa nawawalang imahen, sinabi ni Agonos na dahil yari sa kahoy ang Sto, Niño ay posibleng naabo na rin iyon.

Loading…