A Mother’s Love: Nanay nilagyan ng shield ang payong bilang proteksyon ng anak

  • Nagbigay-lugod sa damdamin ng mga netizens ang isang larawang kumakalat sa social media
  • Makikita rito ang isang inang may kargang sanggol, na mahihinuhang anak niya
  • May bitbit siyang payong na may shield na nagsisilbing proteksyon nilang mag-ina laban sa COVID-19

Sabi nga, walang makapapantay sa pagmamahal ng isang magulang, lalo na ang ina, para sa kaniyang mga anak. Gagawin ng isang ina ang lahat upang maproteksyunan lamang ang kaniyang mga “inakay” mula sa banta ng panganib, kahit ang kalaban pa ay isang virus na hindi nakikita kagaya ng COVID-19.

Kagaya na lamang ng isang inang naglagay ng plastic shield sa kaniyang hawak na payong bilang proteksyon sa kargang anak na sanggol habang sila ay nasa ospital.

Itinampok ito ng Facebook page na “Belize Forever 8867,” na humaplos sa puso at damdamin ng mga netizens.

Imahe mula sa Facebook / Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Great idea! Mothers are always thinking on how to protect their young ones!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “A mother’s love is incomparable, nothing can equal her care for her child… anyways, ang ganda ng payong, the ‘new normal’ design for umbrella. Also a better protection for rainy days.”

“Yes, all mothers will always protect their children, because they love them more than their own selves. I know because I will also do that to my children, because I love them so dearly. By the way, nice innovation!” sabi naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Hindi ako makahinga by just looking at this picture. Siguro medyo taasan nang kaunti ang cover. Pero actually, ang talino ng mother. Good job!”

Ang paglalagay ng shield, hindi lamang sa payong kundi maging sa iba’t ibang establishment ay bahagi na rin ng “Bagong Normal” lalo pa’t patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong may COVID-19  sa Pilipinas. Hinihikayat ang lahat na proteksyunan ang sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask o face shield upang maiwasang mahawaan, makakuha, o mismong makapagdulot ng virus sa kapwa.

Public Domain Image

Loading…