Aabot sa 1,000 centenarians ang makatatanggap ng 100K ngayong taon, ayon sa DSWD

Imahe mula sa Facebook-DSWD
  • Aabot sa halos 1,000 na centenarian ang makatatanggap ng P100K ngayong taon
  • Sa kabuuan ay umabot na sa 5,609 na centenarian sa buong bansa ang nakatanggap ng cash gift
  • Dadalhin na lang sa mga bahay ang nasabing cash gift at hindi na kailangang kunin pa ito sa opisina ng DSWD

Humigit-kumulang sa 1,000 senior citizen na edad 100 ang makatatanggap umano ngayong taon ng cash gift na nagkakahalaga ng P100,000; ito ang ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa website ng ahensiya umabot na sa 289 na centenarians ang nakatanggap ng P100K hanggang nitong Hulyo 15.

“A total of 952 centenarians are expected to benefit from the law this year,” ayon sa ulat.

Imahe mula sa Facebook-DSWD

Sa pamamagitan ng Republic Act 10868 na nilagdaan taong 2016, ang bawat Pilipinong aabot sa edad na 100 taon ay makatatanggap ng nabanggit na halaga. Mula nang maisabatas hanggang 2019 nakapamudmud na ang DSWD ng P560,900,000 para sa 5,609 na centenarian sa buong bansa.

Sa sinumang kwalipikado, maaari lamang ipasa ng kanilang kamag-anak ang mga kailangang dokumento tulad ng birth certificate o pasaporte sa social welfare office ng kanilang bayan o kaya ay sa Office for Senior Citizens Affairs.

Para naman sa mga buhay pa nang isabatas ang RA10886 noong Hulyo 15, 2016 subalit yumao na bago pa man ang aktuwal na implementasyon nito, maaari pa rin umanong matanggap ang insentibo ng kanilang mga kamag-anak.

Imahe mula sa Facebook-DSWD

Samantala, nilinaw din ng DSWD na dadalhin na mismo sa bahay ng centenarian ang kanilang cash gift at hindi na kailangang pumunta pa sa kanilang opisina para kunin ito. Ito ay dahil na rin sa banta ng COVID-19, ayon sa isang opisyal ng DSWD.

“Amid the threat of Covid-19, DSWD has adopted the house-to-house delivery scheme for the centenarian cash gift of Filipino citizens 100 years old and above, as stated under Republic Act 10868 or the Centenarians Act of 2016,” ani DSWD spokesperson Irene Dumlao.

Kahit pa umano prayoridad ng DSWD ngayon ang pamamahagi ng SAP o social amelioration program, aktibo pa rin ang ibang programa at benepisyo ng kanilang ahensiya.

Loading…