Agot Isidro, prangkang sinabihan si Jinkee Pacquiao na maging sensitibo sa pag-post ng karangyaan sa socmed

Imahe mula sa Instagram
  • Singer-actress Agot Isidro, prinangka si Jinkee Pacquiao
  • Nakiusap si Agot Isidro ng kaunting “sensitivity “ sa mga karangyaang ipinopost sa social media
  • Ang mensahe ni Agot Isidro ay patungkol sa mamahaling bisikleta na ipinost ni Jinkee sa Instagram

Diretsahang pinagsabihan ng singer-actress na si Agot Isidro ang misis ni Senator Manny Pacquiao na si Jinkee tungkol sa mga pagpo-post ng mga karangyaan sa social media (socmed).

Imahe mula sa Instagram

Prangkang sinabi ni Agot Isidro na sana naman ay maging sensitibo si Jinkee sa mga bagay na ipinopost niya lalo na ngayong panahon na marami ang nawalan ng hanapbuhay sanhi ng COVID-19 pandemic.

Sa Twitter ay ibinahagi pa ng singer-actress ang larawan ng dalawang mamahaling bisikleta na may tatak Hermes at Louis Vuitton na ipinost ni Jinkee sa kanyang socmed account. Ang bisikleta ay nagkakahalaga umano ng $11,000  o katumbas ng mahigit kalahating milyong piso bawat isa.

Wala naman umanong pakialam si Agot Isidro kung ano ang gustong gawin ni Jinkee sa kanilang pera, pero nakiusap siya ng kaunting “sensitivity.”

“Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na ‘yun, wala kaming pakialam. Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puwede ba, konting sensitivity man lang? #nouveau,” post ni Agot Isidro sa Twitter.

Screenshot ng tweet ni Agot isidro

Mababasa ang hashtag #nouveau sa post ng singer-actress. Tila isang pasaring ito sa pamilya Pacquiao.

Ang naturang hashtag ay pinaikling “nouveau riche.” Ang mga katagang ito ay ginagamit upang isalarawan ang mga taong kailan lang naging mayaman at sinasabing salat sa “social graces.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jinkee Pacquiao

Loading…