Alan: “Hindi ninais ng mga Cayetano na tatlo sa mataas na posisyon ay Cayetano”

Imahe mula Facebook - HoR
  • Ipinagtanggol ni Cayetano ang pagkakaroon ng maraming kamag-anak sa gobyerno
  • Hindi raw nila ginusto na magkaroon sila ng mataas na posisyon sa lungsod ng Taguig
  • Sinisi rin nito ang Konstitusyon kung bakit umusbong ang mga ‘political dynasty’

Ipinagtanggol ni Speaker Alan Peter Cayetano ang pagkakaroon ng  maraming kamag-anak na may puwesto sa gobyerno lalo na sa kanilang lungsod sa Taguig.

Paliwanag ng mambabatas, ‘political rivalry’ sa kanilang lungsod ang isa sa mga dahilan kung bakit nanalo ang kaniyang mga kamag-anak.

Imahe mula sa Alan Cayetano website

“Hindi ninais ng mga Cayetano na tatlo sa mataas na position, Cayetano. Ang problema noon mayroong bitter political rivalry, dumating ako sa punto na binubuldozer nung mayor namin na hindi ko kasama ang mga project na ginagawa ko at ginagawa ng DPWH,” wika ng lder ng Kamara.

Ang mga Cayetano ang kasalukuyang namumuno sa Taguig. Maliban sa Speaker, kinatawan din ng lungsod ang kaniyang maybahay na si Lani Cayetano, habang alkalde naman ang kapatid niyang si Lino at senador ang nakatatandang si Pia Cayetano.

Political dynasty?

Bago pa man ang nabanggit na paliwanag ni Cayetano, sinisi rin nito ang ‘term limit’ ng 1987 Constitution na siya umanong dahilan kung bakit umusbong ang mga political dynasty.

“Ang nag-create po ng dynasty is ‘yung term limits, ‘di ba? Marami sa mga very good governors, tumakbong mayor—marami sa mayors na ganyan,” anito.

Giit ng mambabatas, kailangan ng mga local officials ang mas mahigit pa sa tatlong taong termino na ayon sa itinatakda ng Saligang Batas.

Imahe mula sa Facebook ni Cong. Lani cayetano

”Sasabihin nila, ‘yung mga mayor natin panay pulitika. Eh three years ‘yung term eh. In the middle of the term ka mae-elect. Habang hindi natin ginagawa na katulad ng worldwide—mga four to five years ang term eh, para nakakapag-planning, nakakapag-trabaho,” wika ng kongresista.

Ginawa ni Cayetano ang naturang pahayag sa gitna ng pambabatikos niya sa diumano’y mga ‘oligarch’ tulad ng pamilya Lopez ng ABS-CBN na patuloy na nagpapayaman umano gamit ang kanilang impluwensiya sa pamahalaan.

Loading…