Alden Richards itatampok sa kampanya ng DOH vs. COVID-19?

Iamhe mula sa Twitter DOH, Alden Facebook
  • Si Alden nga ba ang celebrity na mangunguna sa kampanya ng DOH kontra COVID-19
  • Naglabas ng teaser ang DOH sa Twitter para pahulaan sa publiko ang bagong bida sa kanilang kampanya
  • Maraming tagahanga ng aktor ang excited para sa kanilang idolo

Si Alden Richards nga kaya ang celebrity na itatampok ng Department of Health (DOH) para pangunahan ang kampanya nio laban sa coronavirus?

Nitong Martes, lumabas sa Twitter account ng DOH ang isang teaser ng programa nitong ‘Bida Solusyon sa COVID-19’ habang pinahuhulaan sa publiko kung sino nga ba ang ‘bidang’ itatampok nila.

Imahe screenshot mula sa Twitter DOH

“Sino kaya ang kasama natin to #BIDASolusyon? Isang tulog na lang, makikilala mo na siya! Sino ang hula niyo? Ilagay sa ibaba!” ayon sa nabanggit na tweet na may kasamang hashtag na #BeatCOVID19 at #WeHealAsOne.

Marami naman kaagad ang humula na ang Asia’s Multimedia Star ito. Maraming tagahanga rin ng aktor ang natuwa at nagpahayag ng excitement sa nalalapit na pagbibida ng kanilang idolo.

Narito ang ilan sa mga komento at reaksiyon:

“Our Asia’s Multimedia Star @aldenrichards02 ! Star-struckBlue heart Thanks @DOHgovph.”

“The right influencer to share info about safety measures. #ALDENRichards.”

Imahe mula sa Facebook-Alden Richards

“Influence for a good cause – that’s  #ALDENRichards.”

“Yes!!!!! You choose the right influencer @DOHgovph  when it comes to BIDASolusyon as we  #BeatCOVID19 and #WeHealAsOne.”

“It doesnt take a genius to know Ang nag-iisang pambansang bae at Asia’s Multimedia Star.”

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang kampo ni Alden Richards habang inaabangan na ng kaniyang mga tagahanga ang paglabas ng aktor sa kampanya ng DOH.

Samantala, hinikayat naman ng DOH ang publiko na bisitahin ang kanilang official na COVID-19 Healthy Pilipinas website para sa mga tips kung paano mapangalagaan ang kalusugan ng sarili at pamilya sa gitna ng pandemiya na dulot ng coronavirus.

Source :

Twitter, Inquirer, DOH

Loading…