Anak araw-araw umaakyat sa bintana ng ICU ng ospital hanggang sa huling sandali ng inang na-COVID 19

Imahe mula kay Mohamad Safa
  • Larawan ng anak na umakyat sa bintana ng ospital upang matanaw ang inang may COVID-19 , umantig sa mga netizens
  • Araw-araw itong ginagawa ng anak mula nang ma-confine sa pagamutan ang ina
  • Kauuwi pa lang ng anak nang nalagutan ng hininga ang ina

Maraming social media users ang naantig sa ibinahagi ng isang netizen na larawan ng isang lalaki na nakaupo sa pasimano ng bintana sa mataas na bahagi ng isang pagamutan sa Palestine upang matanaw ang inang nakikipagbuno sa COVID-19.

Screenshot ng tweet ni Mohamad Safa

Kinilala ang mapagmahal na anak sa viral photo bilang si Jihad Al-Suwaiti; ang bunsong anak ng Palestinian woman na si Rasmi Suwaiti.

Araw-araw umanong inaakyat ni Jihad ang pader ng Hebron State hospital sa West Bank upang marating ang pasimano ng bintana ng intensive care unit ng pagamutan upang makita ang pinakamamahal na ina. Dahil sa ipinatutupad na safety measures ay hindi pinapayagang makapasok ng ospital si Jihad.

Malapit sa kanyang ina ang bunsong si Jihad, lalo na nang maulila sila sa ama labinlimang taon na ang nakalilipas. Ang inang si Rasmi na may leukemia ay na-diagnose na may COVID-19 ilang linggo na ang nakararaan.

Simula nang dalhin sa ospital ang ina ay araw-araw nga itong binibisita ni Jihad; kahit sa bintana lang matanaw ang ina ay sapat na para sa kanya.

Isang araw ay nakunan siya ng litrato ng netizen na si Mohamad Safa at ibinahagi iyon sa Twitter.

“The son of a Palestinian woman who was infected with COVID-19 climbed up to her hospital room to sit and see his mother every night until she passed away,” tweet ni Safa.

Huling akyat sa bintana ng ospital ni Jihad noong July 16. Ilang sandali matapos niyang umuwi ay nalagutan ng hininga ang kanyang ina.

Todo ang paghihinagpis ni Jihad nang malamang wala na ang ina.

Screenshot ng tweet ni Mohamad Safa

Sabi ng isa niyang kapatid, nang ipaalam na sa kanila ang paglisan ng kanilang ina, labis ang hinagpis ni Jihad at hindi ito makapaniwala.

Narito ang ilang komento ng mga  na naantig sa istorya ni Jihad:

“She must have been a wonderful mother to have raised such a devoted son. Blessings on them both. Rest In Peace, dear lady.”

“I would too. This is heartbreaking, so close and so far. This hits me. Moms dying alone – as givers of life and unconditional love – it isn’t fair.”

“This is so sad yet so inspirational. The love he clearly felt is a sign that there is still goodness in this world.

Source :

Twitter, India

Loading…