Anak ibinabarter ang tanim na pomelo sa gamot ng inang may karamdaman

Imahe mula sa Facebook | KMJS
  • Pomelo ang tumutugon ngayon sa mga pangangailangan ng isang inang may Parkinson’s Diseas
  • Nakikipag-barter ang kaniyang anak upang may maipakain at maipainom na gatas at gamot sa kaniyang ina
  • Malaki ang pasasalamat nila sa mga tumutulong sa kanilang mag-ina

Upang patuloy na makainom ng gamot para sa Parkinson’s Disease ang kaniyang ina ay nakikipag-barter si Shiela Rapada ng pomelo sa Bacolod City.

Imahe mula sa Facebook | KMJS

Sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ay ikinuwento ni Shiela na labis siyang nasasaktan dahil hindi niya maibili ng gamot ang 62 anyos na inang si Nenita na noon ay sinsiguradong mabibigyan siya ng maayos na buhay.

“Sobrang sakit kasi halos hindi ko siya maipagamot, mabigyan ng gamot…na kahit na maipa-check up or kahit laboratories. Kasi mas priority ko po ‘yong pagkain namin sa araw-araw. Kasi kung hindi siya kakain, nanginginig siya,” kuwento ni Shiela.

Dating nagtatrabaho sa botika si Shiela kaya naman kapag kinakapos ay umuutang siya ng gamot o kaya naman ay nanghihingi ng mga sample mula sa mga medical representative.

“Masakit kasi noong okay pa siya, nagsa-sacrifice siya para matustusan ‘yong pag-aaral ko. Hindi ko ma-provide ‘yong kagaya ng binigay niya sa akin kasi mahirap po ngayon. Wala po akong trabaho.”

Imahe mula sa Facebook | KMJS

Sa kabila nito ay dumiskarte pa rin siya sa pamamagitan ng pagsali isang barter community sa Bacolod at marami naman ang agad na tumulong sa kaniyang ina.

“Nag-post ako sa barter, marami pong nag-comment. ‘Anong gatas ng nanay mo? Anong kailangan ng nanay mo?’ So binigay ko iyong kailangan niya, ‘yong gamot niya. ‘Yong Tidomet para sa anti-Parkinson’s, saka ‘yong gatas,” kuwento niya sa KMJS.

Malaki ang pasasalamat ng mag-ina sa mga hindi nag-atubiling tumulong sa kanila. “Na-touch kami lalong lalo na para kay Mama because I know deserve niya ‘yan.”

Para sa mga nagnanais na tumulong kay Nenita, maaaring makipag-ugnayan kay Shiela sa 0908-177-1192 o kaya naman ay ipadala ito sa:

Imahe mula sa Facebook | KMJS

Metrobank Bacolod Mandalagan Branch (Account Number: 961-3-76322071-1, Account Name : Ma. Shiela Rapada)

 

Source :

Facebook

Loading…