Ang wais na payo ni Michael V sa mga nagbabalak bumili ng Playstation video game console

Screenshot mula sa vlog ni Michael V
  • May payo si Michael V sa mga video games enthusiasts tungkol sa pagbili ng Playstation video game console
  • Sa latest vlog niya, inisa-isa ni Bitoy ang mga dahilan kung dapat na bang bumili ngayon ng PS4 o hintayin ang release ng PS5
  • Para sa mga walang sapat na budget, ipinayo ng komedyante na ilaan na lang sa pangangailangan ng pamilya ang pera

May makabuluhang payo ang magaling na Kapuso comedian na si Michael V sa mga video games enthusiasts na nagdadalawang-isip kung bibili na ngayon ng Playstation 4 (PS4) o hinintayin ang paglabas ng bago at mas powerful na PS5.

Screenshot mula sa vlog ni Michael V

Ang komedyante, na kilala rin sa tawag na Bitoy, ay tanyag din sa pagiging gamer. Sa kanyang latest vlog, tinalakay niya ang mga bagay na dapat ikonsidera sa pagbili ng video game console habang hindi pa inire-release ng SONY ang PS5.

Ipinaliwanag niya sa vlog kung bakit ngayon na ang pinakamagandang panahon para bumili ng PS4 habang wala pa ang PS5 sa merkado, lalo na sa mga gamers na ang budget ay sapat lang para sa isang video game console.

“Doon sa mga nagpaplano [bumili ng PS5], pero nagdadalawang-isip, eto ang advice ko sa inyo: Paglabas ng PS5, nasisiguro ko sa inyo, sobrang mahal niyan sa mga resellers,” sabi ni Bitoy sa vlog niya na inilabas noong Lunes, July 13.

“At yung mga legit na distributors, sigurado out of stock agad ‘yan; either na pre-order na ng iba or na-hoard na ng mga scalpers gaya nung limited edition na PS4,” paliwanag niya.

Screenshot mula sa vlog ni Michael V

Inisa-isa niya ang mga dahilan kung bakit mainam na bumili ng PS4 lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.

“Una, ang laki na ng ibinaba ng presyo niya. Pangalawa, itong gaming ang isa sa pinakamasayang stay-at-home activity at ‘pag nasa bahay ka, hindi ka mahahawa o makakahawa ng COVID,” aniya.

“Pangatlo, napakaraming games na napakagaganda ang available para sa PS4 at the moment. At kahit lumabas na ang PS5, nasisiguro ko sa inyo may lalabas pa ring mga bago. Pang-apat, sa dami ng malalaro mong PS4 games, by the time na mag-decide ka na bumili na ng PS5 finally, I’m sure bababa na rin ang presyo niya at tsaka mas marami nang magagandang games na lumabas,”dagdag pa ng wais na komedyante.

Screenshot mula sa vlog ni Michael V

Sa mga gustong-gustong bumili ng Playstation, pero wala namang sapat na budget para dito, ipinayo ni Bitoy na ilaan na lang sa mga pangangailangan ng pamilya ang pera.

Tara na’t panoorin ang vlog ni Bitoy:

Source :

YouTube, Inquirer

Loading…