Angel Locsin may “open letter” bilang tax payer

  • May open letter ang aktres na si Angel Locsin
  • Mensahe niya ito bilang isang “tax payer” o nagbabayad din ng buwis
  • Ano raw ba ang solusyon ng pamahalaan sa iba’t ibang suliraning kinahaharap ng bansa ngayon na may kaugnayan sa epekto ng COVID-19? 

Isa sa mga pinakamamahal at hinahangaang celebrity na nagpapakita ng malasakit sa kapwa ay ang tinaguriang “Darna in reality” na si Angel Locsin. Laging bukas ang kaniyang sarili para sa pagtulong sa mga taong nangangailangan, anoman ang naging dahilan nito.

Kaya naman, muling pinag-usapan ng mga netizens ang Facebook post ng aktres na nagpapahayag ng kaniyang mensahe bilang tax payer o nagbabayad ng buwis para sa pamahalaan. Makikita ito sa kaniyang opisyal na Facebook page. Pinamagatan niya itong “To Whom It May Concern.” Nagsilbi itong open letter.

Imahe mula sa Team Angel PH/Public Domain Image

Saad niya, “Make sure you have plans for the many workers and business owners who lost their income. Ang daming time pag-initan ang ABS, i- prioritize pa ang re-naming ng airport, anti terrorist bill, pero ang kailangang marinig ay plano tungkol sa COVID-19 and frontliners, plano sa edukasyon para sa mahihirap na walang access sa internet o magtuturo sa bahay,” aniya.

Dagdag pa niya, “Ano ang plano tungkol sa balik-probinsya, OFW’s na stranded sa ibang bansa, kabuhayan ng nawalan ng trabaho, paano na ang tradisyunal na jeepney drivers? Paano ang mga senior citizens? At sa kung anong kakaharapin ng masang Pilipino pagkatapos ng pandemya? Sincerely, tax payer.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga sumang-ayon sa aktres at may mga nagtanong din hinggil naman sa kaniyang naiisip na solusyon para sa mga suliraning binanggit niya.

“Tama! Buti ka pa naiisip mo ‘yan, ang mga nasa puwesto puro pansariling kapakanan iniisip nila,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Matanong ko lang… kayo po anong plano ninyo? May solusyon po ba kayo sa mga problemang pinagsasabi ninyo. Hindi ba mas mabuti kung may solusyon tayong ipamamahagi sa mga problema ng bayan, hindi po ba?”

Public Domain Image

“Ate Angel Locsin, I extremely agree with you, hoping that they have great plan of all things happening now. God is good all the time, let’s pray for the brighter plan/outcome to what plan or decisions they have,” pahayag naman ng isa.

Bukod sa pagiging pilantropo, kilala rin si Angel bilang isa sa mga matatapang na celebrity na pagpapahayag ng kaniyang saloobin at opinyon hinggil sa mahahalagang isyu o usaping panlipunan sa pamamagitan ng social media.

Loading…