Apat na magkakapatid nagbigay-pugay sa mga magulang matapos maka-graduate sa SHS ang bunso

Imahe mula sa GMA Public Affairs | Isabel Evangelista

 

  • Hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang mga magulang ni Isabel Evangelista kaya naman ganoon na lamang ang kanilang kagalakan sa pagtatapos ng mga anak
  • Graduate na sa kolehiyo ang tatlo habang nagtapos naman sa senior high school ang bunso
  • Bilang pasasalamat sa pagsisikap ng kanilang mga magulang ay nagpagawa ang magkakapatid ng tarpaulin kung saan makikita silang suot ang kanilang toga

Matapos na maka-graduate sa kolehiyo ang ikatlo at sa senior high naman ang bunso sa apat na magkakapatid ay nagbigay-pugay ang panganay na anak sa kanilang mga magulang na hindi nakapagtapos noon sa pag-aaral.

Imahe mula sa GMA Public Affairs | Isabel Evangelista

Kuwento ni Isabel Evangelista sa GMA News, saksi siya kung gaano kahirap para sa kaniyang mga magulang ang maghanap noon ng trabaho lalo na at wala silang degree. Sa kabila nito ay patuloy silang kumayod upang maibigay sa kanilang mga anak ang edukasyon na hindi nila nakamit noon.

Dahil sa nasaksihang pagsisikap ng mga magulang ay nagpursigi si Isabel na makapagtapos. Nag-sideline siya sa isang computer shop at nag-online selling din upang matulungan ang mga magulang.

Nagbunga naman ito dahil taong 2018 ay nakapagtapos si Isabel sa kursong Business Economics. 

Imahe mula sa Facebook | GMA Public Affair

Nang sumunod na taon ay naka-graduate naman with flying colors ang kaniyang kapatid sa kursong Computer Science. Nitong 2020 naman, nagtapos ang pangatlo sa kanilang magkakapatid sa kursong Tourism Management. Kasabay nito, gumraduate naman ang kanilang bunso sa senior high school.

Upang ipagdiwang ang tagumpay ng kanilang masisipag na mga magulang ay nagpagawa sila ng tarpaulin kung saan makikita silang magkakapatid na suot ang kanilang toga. Kinuhanan nila ng larawan ang kanilang mga magulang habang hawak ito at mababakas sa kanilang mga ngiti ang labis na kagalakan.

“Kung ano ‘yong ginagawa mo sa tingin mong pangarap mo, ituloy mo lang kasi hinahatak ka niyan. Matuto tayong i-celebrate ‘yong success natin, big or small,” sabi niya sa panayam sa GMA News.

Congratulations sa inyong magkakapatid at sa inyong mga magulang!

Loading…