Armored vehicles idineploy sa pagsisimula ng 14-day lockdown sa Navotas City

Screenshot mula sa UNTV video
  • Armored personnel carriers idineploy sa Navotas City sa pagsisimula ng 14-day lockdown
  • Ang armored vehicles ay magsisilbing paalala sa mga residente sa presensya ng mga pulis sa lungsod
  • Ang 14-day lockdown ay ipinatupad dahil sa katigasan ng ulo ng mga residente, ayon kay Mayor Toby Tiangco

Mahigit tatlong daang augmentation force mula sa Philippine National Police, kabilang ang Special Action Force (SAF) ang tutulong  sa local police ng Navotas City sa pagpapatupad ng quarantine rules sa pagsisimula ng 14-day lockdown sa lungsod ngayong July 16.

Screenshot mula sa UNTV video

Dalawang armored personnel carriers (APC) ng SAF ang idineploy upang mag-ikot sa buong Navotas.

Nilinaw ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas, na nag-inspeksyon sa lungsod, na ang dalawang APC ay magsisilbing paalala sa mga mamamayan ng Navotas sa presensya ng kapulisan at hindi naglalayong manakot.

“Hindi naman. Ito kasi para mapakita natin tumulong sa atin ‘yung SAF, para ma-remind sa mga kababayan natin na nandiyan po kami, ang SAF, police din po ‘yan… kasama po namin… ay nagpaalala na sumunod tayo sa mga direktiba ng city mayor ng Navotas,” paliwanag ni Sinas.

Ang 14-day lockdown sa Navotas ay ipinatupad ni Mayor Toby Tiangco dahil umano sa katigasan ng ulo ng mga residente. Bago gawin ang desisyon, personal na nasaksihan ng alkalde ang tila pagiging kampante ng mga Navotenyo sa panganib na dala ng COVID-19.

Screenshot mula sa UNTV video

Ilang mga kabataan ang na-video-han niya na naglalaro ng basketball sa kalsada. Karamihan sa mga nanonood ay walang suot na face mask. Ikinagalit din ni Mayor Tiangco ang mga pabayang  magulang na hinahayaang maglaro sa labas ang maliliit na anak.

Noong Lunes, July 13, ay inilabas ng alkalde ang isang executive order para sa implementasyon ng 14-day lockdown. Nagsimula ito ngayong Huwebes July 16 at matatapos 11:59 ng gabi sa July 29.

Sa kasalukuyan ay mahigit isang libo na ang COVID-19 cases sa Navotas City.

Imahe mula kay Mayor Toby Tiangco
Source :

GMA Network, MSN

Loading…