Australian employers nangangailangan ng mga Pinoy welders, agriculture workers

Welder image mula sa Pinoy boilermakers and welders Australia FB page/Hog farm worker image mula sa Agriculture Monthly
  • Australian employers naghahanap ng mga Pinoy welders at agri workers
  • Ibinalita ng Philippine Ambassador sa Australia na sa kabila ng pandemya ay nakatatanggap pa rin ang embahada ng job orders
  • Wala pang ibang detalyeng ibinigay si Ambassador Ma. Hellen Dela Vega tungkol sa mga job orders

Ipinahayag ni Philippine Ambassador sa Australia na si Ma. Hellen De La Vega na tinatarget ng Australia na mag-hire ng  mga manggagawang Pinoy para sa industrial at agricultural sector nito.

Welder image mula sa Pinoy boilermakers and welders Australia FB page/Hog farm worker image mula sa Agriculture Monthly

Sa televised Laging Handa press briefing noong Huwebes, ika-9  ng Hulyo, ipinahayag ni Ambassador Dela Vega na sa kabila ng umiiral na COVID-19 pandemic ay patuloy na nakatatangap ang Philippine Embassy sa Canberra ng mga job orders mula sa mga Australian employers.

Ang hinahanap umano ng mga Australyanong employers ay mga Pinoy welders at agricultural workers, partikular na sa larangan ng cattle at hog-raising.

“Ini-expect po namin na sooner or later, hopefully before the year is over, na mare-resume po ulit itong mga workers na magta-trabaho dito sa Australia,” anang ambassador.

Hindi nagbigay ng iba pang detalye si Amb. Dela Vega hinggil sa mga requirements na kailangan o kung anu-ano ang mga kwalipikasyong hinahanap ng employers sa mga kailangang manggagawa.

SA naturang press briefing, masayang ibinalit ng ambassador na walang Pilipino ang nahawahan ng COVID-19 sa Australia. Ito ay sa kabila ng ipinatupad na six-week lockdown sa Melbourne dahil sa pagsirit ng bilang ng mga coronavirus cases nito sa State of Victoria.

“Good news is there are no reported infected Filipinos here. That’s the good news that I can share with you,” aniya.

Screenshot mula sa video ng SBS Radio

Gayun pa man, pinayuhan niya ang mga Pilipinong nasa Australia na patuloy na gawin ang health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask para sa kanilang kaligtasan.

Ibinalita rin niya na may mga Pinoy na na-stranded sa Victoria na nais nang umuwi sa Pilipinas subalit hindi magawa dahil nga sa lockdown na ipinatutupad doon.

Handa naman umano ang embahada na magbigay ng assistance sa mga Pinoy na nais makakuha ng travel exemptions mula sa relevant Australian authorities.

Loading…