Babae sinagot ang PhilHealth contribution ng lalaking kulang ang pera

Imahe mula sa Facebook | Renz Dela Cruz
  • Marami ang humanga sa babae na sumagot sa PhilHealth contribution ng isang lalaki na kinapos ang perang panghulog dito
  • Ayon sa netizen na nagbahagi ng kuwentong ito, aalis na sana ang lalaki nang sabihan ng cashier na kulang ang dala niyang pera
  • Ngunit kinausap siya ng isang babae na siya nang nagbayad sa buong kontribusyon ng lalaki 

Ibinida ng isang netizen ang babae na sumagot sa PhilHealth contribution ng lalaki sa San Rafael, Bulacan.

Imahe mula sa Facebook | Renz Dela Cruz

Kuwento ni Renz Dela Cruz sa isang Facebook post, narinig niyang sinabihan ng cashier ang lalaki na kulang ang pambayad nito.

“Sabi ni Kuya, ‘Ay, wala na akong dalang pera. ‘Yan lang po lahat. Galing pa akong Sapang Putik, eh. Naglakad lang po ako papunta rito,'” paglalahad ni Renz.

Nasa P300 umano ang kulang na pera ng lalaki at due date na nito noon.

“Tapos paglabas ni Kuya sa Bayad Center, kinausap siya ni Ate at sinamahan sa counter. Si Ate na ang nagbayad nung PhilHealth niya tapos ‘yong pera ni Kuya sabi niya, ‘Itabi ninyo na lang po ‘yan. Narinig ko po kasi kayo na kulang ang pambayad,'” kuwento ni Renz.

Imahe mula sa PhilHealth

“Nakakaantig ng pus0. May mabuti kang kalooban, Ate. God bless you.”

Marami ang humanga sa kabaitan ng babae. Sa ngayon ay may 344k reactions at 73k shares na ang post ni Renz. “Nakaka-touch talaga kapag may nababasa ka na ganito. Sana lahat ay may ganiyang ginintuang pus0,” komento ni L. Balanquit.

“God bless you po, Ate. Sa panahon ngayon, isa ka sa mabubuting mga tao na handang tumulong kahit mahirap ang buhay. Sobrang nakaka-good vibes,” ani Nicka C.

“Salamat sa’yo, Ate. Diyos na ang bahalang magbalik sa’yo ng kabutihan mo sa kapwa,” komento naman ni Andy M.

“Praise God. Talagang may ginagawang kasangkapan ang Panginoon para tulungan ang mga nangangailangan,” sabi naman ni D. Javillonar.

 

Source :

Facebook

Loading…