“Backride” puwede na sa mag-asawa, live-in partner simula July 10

Imahe mula sa PNA
  • Simula July 10 ay pinapayagan na ang backriding sa motorsiklo
  • Maaari lang ito sa mga mag-asawa o kaya ay live-in partners
  • Kailangang magpakita ng ID bilang katibayan na ang magkaangkas sa motor ay mag-asawa o live in partners

Simula sa Biyernes, July 10, ay pinapayagan na ang mga mag-asawa o live-in partners na magkaangkas sa motorsiklo na mayroong protective shield sa pagitan ng driver at angkas.

Imahe mula sa PNA

Kinumpirma ito ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ang vice chairman of the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease, nitong Huwebes, July 9.

“Simula bukas, papayagan na natin ‘yung backriding sa mga couple at ‘yung prototype model na sinubmit ni Gov. Arthur Yap (ng Bohol), approved na yan ng NTF (National Task Force) at ito yung prototype na gagamitin natin,” pahayag ng kalihim.

“May barrier between rider and passenger pagkatapos may handle sa side nung barrier at the same time kailangan mag wear ng mask at naka-helmet ‘yung rider at passenger,” dagdag pa niya.

Ayon kay Sec. Año, hahanapan ng ID sa mga checkpoint ang magka-angkas sa motorsiklo upang makumpirma na mag-asawa ang mga ito. Aniya, ang mag-asawa ay may magkaparehong apelyido at ang live-in partner ay dapat magkapareho ang address sa ID.

Imahe mula kay Bohol Governor Arthur yap

“Ang couple is living in the same household, either they are married, or common-law husband and wife, or boyfriend or girlfriend. Sa ID ay dapat magkapareho ng apelyido at kapag naman common-law husband and wife ay kailangang the same address sa ID. There are so many ways to prove naman that indeed they are a couple,” sabi ni Sec. Año.

Pinaalalahanan naman ni DILG Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya ang kapulisan na sila ang dapat mauna sa pagsunod sa bagong patakarang ito ng gobyerno.

Imahe mula sa Twitter

“When the public sees the law enforcers backriding and yet utilizing motorcycles without protective barriers, we lose our credibility. So, we wish to remind all men and women of the PNP who are couples to be the first in installing these barriers in their motorcycles as a good example to the public,” ani Usec. Malaya.

Aniya, ngayon higit kailanman dapat na maging mabuting ehemplo ang mga law enforcers.

Loading…