Bagong kasal na nurse na nakasuot pa ng wedding gown tumulong sa nasaksihang aksidente sa kalye

Imahe mula kay Calvin Taylor
  • Kahit bagong kasal at suot pa ang wedding dress, hindi nagdalawang-isip ang isang nurse na tumulong sa isang ginang na naaksidente
  • Pauwi na ang bagong kasal nang masaksihan nila ang banggaan ng mga sasakyan
  • Isang araw matapos ang insidente ay tumuloy sa kanilang honeymoon ang bagong kasal

Malakas ang tawag ng tungkulin para sa isang nurse sa Minnesotta sa United States na tumugon sa nasaksihang aksidente sa kalye at hindi inalintana na nakasuot pa siya ng damit-pangkasal.

Imahe mula kay Calvin Taylor

Sa larawang ibinahagi sa social media, makikita ang nurse na si Rachel Taylor na suot pa ang kanyang white wedding dress habang inaalalayan ang isang babaeng nasangkot sa aksidente. Pauwi na sila noon ng asawang si Calvin mula sa  kanilang kasal.

Sa Facebook ay ikinuwento ni Calvin ang buong pangyayari.

Ilang oras pa lang daw ang nakalilipas nang idaos ang outdoor wedding ceremony nila ni Rachel at habang pauwi sila sa kanilang bagong bahay ay nasaksihan nilang mag-asawa ang banggaan ng ilang sasakyan.

“On our way back to our home after an amazing and beautiful wedding day, literally blocks from our new home, we saw a large SUV crash into another accident involving three other vehicles,” sabi ni Calvin.

Aniya, habang itinatabi nila ang kanilang sasakyan ay nakita nila ang ilang tao na itinatayo ang isang babaeng nasa pagitan ng dalawang sasakyan. Sugatan ang babae. Mabilis daw na bumaba si Rachel upang tumulong sa naaksidenteng ginang.

“My rockstar of a bride gets out of the car, wedding dress and all, and rushes over to help while I called 911. Rachel held this woman and talked to her so nicely and helped her as well as the paramedics that came later. She held her for at least 15 minutes until the EMTs got her on a stretcher,” kuwento ni Calvin.

Imahe mula kay Calvin Taylor

Nagpasalamat naman ang nasaktang babaeng na nakilalang si Tammy Peterson sa ginawa ni Rachel.

“She was awesome and helped save my life by keeping me focused, and calm. She certainly is a gifted angel and chose the right career path,” ani Peterson.

Isang araw matapos ang insidente, tumuloy sa kanilang honeymoon si Calvin at Rachel.

Loading…