Bagong talk show ni Kris Aquino tuloy na tuloy na sa Kapatid Network

Image by Kris Aquino via Facebook
  • “Love Life with Kris” sa TV5, tuloy na tuloy na
  • Saad ni Lolit Solis, walang makatatalo kay Kris Aquino sa talk show format
  • Dahil wala nang exclusivity sa talents ang ABS-CBN, inaasahang bibisita sa bagong talkshow ang mga Kapamilya

Tuloy na tuloy na ang pinakaaabangang talk show ng Queen of All Media na si Kris Aquino na mapapanood bilang blocktimer sa TV5; taliwas ito sa mga naunang balita na hindi muna matutuloy ang palabas dahil sa ilang kadahilanan.

Image by Kris Aquino via Facebook

Ibinahagi ng showbiz reporter na si Lolit Solis sa Instagram na nagsagawa na ng pictorial para sa “Love Life with Kris” na siyang assurance na malapit na talaga itong mapanood ng madla.

“Happy naman ako na nag pictorial na si Kris Aquino para sa show niya sa TV5 Salve. Medyo naudlot lang sa projected na araw ng launching pero, heto, may assurance na malapit na talaga mapanood.”

Bilang pag-iingat sa pandemya, halos lahat ng palabas na naririnig umano ni Solis na isinasagawa sa ngayon ay mga talk shows dahil mas mababa ang bilang ng taong magtatrabaho at madaling masusunod ang physical distancing.

Sa ganitong format, ani ng showbiz reporter, ay walang makatatalo kay Aquino dahil likas itong talker at talagang inquisitive kaya bagay na bagay talaga ito sa kanya.

Yamang wala nang exclusivity ang mga artista ng ABS-CBN, inaasahang maraming bigating artista mula sa Kapamilya Network ang bibisita sa palabas.

Imahe mula sa Facebook page ng ABS-CBN

Nagulat naman ang ilang TV5 staff nang mamataan doon ang TV host at kanya-kanya sila ng kuha ng litrato at video mula sa kanilang mga gadgets.

Bagong talkshow ni Kris Aquino magsisimula na ngayong Hulyo

Ang orihinal na schedule ng pilot episode ng show ay noong July 25 pero dahil naantala ito ay inaasahang simulang mapapanood ang palabas sa August 22 na kasali sa unang wave ng mga bagong palabas sa TV5.

Image by Kris Aquino via Facebook

Loading…