Bailey May nag-post tungkol sa “natanggal sa trabaho dahil sa unfair na gobyerno”

Image by Bailey May via Facebook
  • Bailey May: Magkaiba ang natanggal sa trabaho dahil sa pandemya kesa sa natanggal dahil sa ‘di patas na gobyerno
  • Hikayat nito, “WAG BINGI, WAG BULAG AT HIGIT SA LAHAT WAG BOBO!”
  • Nag-trending ang post na ito ng mang-aawit at umani ng samu’t-saring reaksyon sa social media

Matapang na naghayag ng hinaing ang former Pinoy Big Brother housemate at ngayon ay miyembro na ng global pop group na Now United na si Bailey May ukol sa tinutukoy niyang “unfair na gobyerno” kaugnay pa rin sa hindi pag-renew sa prangkisa ng ABS-CBN.

Image capture from Twitter post by Bailey may

Tinatayang 11,000 manggagawa kasi, ayon sa tala ng TV station, ang maaaring mawalan ng trabaho dahil sa pangyayaring ito.

Pahayag ni Bailey sa Twitter, magkaiba umano ang natanggal sa trabaho dahil sa pandemya kesa sa natanggal sa trabaho dahil sa hindi patas na gobyerno.

“Magkaiba yung natanggal sa trabaho dahil sa pandemya kaysa sa natanggal sa trabaho dahil sa unfair na gobyerno. WAG BINGI, WAG BULAG AT HIGIT SA LAHAT WAG BOBO! #labankapamilya #mahigpitnayakapkapamilya.”

Agad namang nag-trending ang pahayag niyang ito at umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Well said Bailey. Buti ka pa alam mo ‘yan kesa sa ibang Pinoy na kababayan natin na pinipili ang magbulagbulagan.”

Pinapurihan naman siya ng iba dahil hindi pa rin daw niya nakalilimutan ang network na nagpasikat sa kanya.

Mayroon namang hindi nagustuhan ang pahayag ng mang-aawit at sinabing hindi dapat ang gobyerno ang sisihin; bagkus ang mga diumano’y nagawang paglabag  ng ABS-CBN.

Image by Bailey May via Facebook

Mula sa pagiging 4th Teen Big Placer ng PBB noong 2017 ay napanood na si Bailey sa mga episodes ng ASAP, MMK, On the Wings of Love, It’s Showtime, Gandang-Gabi Vice at iba pang ABS-CBN shows.

Kasalukuyan siya ngayong miyembro ng Now United na nakapagsagawa na ng dalawang world tours at nakabisita sa maraming bansa kagaya ng South Korea, Mexico, California, India, Brazil, Japan, Canada, Germany, France, Russia, Finland, United Kingdom at marami pang iba.

Image by Bailey May via Facebook

Loading…