Baka joke lang: DOH nilinaw ang face mask ‘gasoline disinfectant’ tip ng Pangulo

Screenshot mula sa Facebook-RTVM video
  • Nagbibiro lang umano ang Pangulo nang sabihin nitong puwedeng idisinfect ang face mask gamit ang gasolina
  • Ito ang nilinaw ng DOH tungkol sa ‘kakaibang’ tip ng Pangulo
  • Mga cloth mask lang din umano ang puwedeng gamiting muli basta labhan lang lagi

Nagbigay ng paglilinaw ang Department of Health (DOH) matapos ang pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa umano’y pag-disinfect ng face mask gamit ang gasolina o diesel.

Sa kaniyang talumpati na isinahimpapawid nitong Martes, nangako ang presidente na pipilitin niyang bigyan ng mga face mask ang mga mamamayan lalo na iyong hindi kayang bumili ng marami.

Screenshot mula sa Facebook-RTVM video

Binanggit din ng Pangulo na puwedeng i-reuse ang face mask basta i-disinfect lang gamit ang alcohol o kaya ay Lysol.

“Huwag iyong ini-i-spray mo at isuot mo kaagad. Iyong pagkatapos ng araw, hang it somewhere, i-sprayan mo lang ng Lysol if you can afford it. Iyong wala, ibabad mo ng gasolina o diesel…Covid na iyan, hindi uubra yan,” wika ni Duterte.

Subalit ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, maaaring nagbibiro lang ang Pangulo sa kaniyang ibinigay na ‘tip’ na nagdulot ng kalituhan sa publiko. Nilinaw din niya na cloth mask ang tinutukoy ng presidente na puwedeng i-reuse.

Usec Vergeire| Imahe via DOH Facebook

“Sa sinabi ni Presidente, he’s mentioning really ‘yung mga reusable na ginagamit natin katulad ng cloth mask,” paglilinaw ni Vergeire. “Alam n’yo naman kapag nagsasalita si Presidente baka mga jokes niya lang ‘yun especially for gasoline.”

Dagdag pa ng opisyal ng DOH, puwede at dapat talagang labhan ang mga cloth mask araw-araw. Kailangan itong patuyuin at ibilad sa araw bago gamitin muli kinabukasan.

Sa kaso naman ng surgical masks at N95 masks, ito ay mga single-use lamang. Hindi ito puwedeng labhan dahil mayroon itong mga components at filtering mechanism na maaaring mawala kapag nabasa ng tubig.

Loading…