Banal na hostiya, natagpuang buo sa nasunog na Sto. Niño Church sa Pandacan

Imahe mula sa CBCP News/Manila DRRMO
  • Natagpuang buo ang consecrated host mula sa nasunog na Sto. Niño Church
  • Itinuturing itong milagro ng parish priest doon
  • Kinumpirma rin ng parish priest ang pagkasunog ng 400-anyos na Sto. Niño de Pandacan

Isang milagro; ito ang pagsasalarawan ng parish priest ng nasunog na simbahang Sto. Niño de Pandacan matapos matagpuan ang consecrated host na buo sa loob ng lalagyan nito.

Natagpuan umano ang mga banal na hostiya habang hinahanap ng mga empleyado ng simbahan sa debris ng sunog ang imahe ng 400 anyos na Santo Niño.

Imahe mula sa facebook

Sa isang misa nitong Linggo, ibinahagi ni Fr. Sanny de Claro ang magandang balita sa mga deboto ng simbahan.

“When the ciborium was opened, the sacred host was there,” pahayag ng parish priest sa misa na ginanap sa labas ng simbahan.

“This is the biggest miracle. While looking for the image, the sacred host was found. We were pointed to Jesus,” wika pa nito.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na muna umano ng San Fernando de Dilao Parish Churchsa sa Paco ang natagpuang ciborium.

Samantala, kinumprima rin ni Fr. De Claro na natupok na nga ng apoy ang hinahanap na Santo Niño. Ito ay matapos matagpuan ang isa sa Tres Potencias ng imahe na nakabaon sa ilalim ng mga abo.

Imahe mula sa Sto. Niño de Pandacan Parish Facebook page

Kasunod nito ay natagpuan din ang globo at ang krus na hawak ng Santo Niño. Natagpuan din kinalaunan ang andador at ang sunog na damit ng imahe.

Samantala, buo ring natagpuan umano ang chalice at iba pang gamit pangliturhiya ng simbahan kaya maaari pa itong gamitin, ayon kay Fr. De Claro.

Hindi rin nawawalan ng pag-asa ang pari at tiniyak nito sa mga parishioner na babangon sila sa mga darating na araw.

“We are the church. Let’s start again. Let’s rebuild the church of our faith,” pagtitiyak ng pari.

Loading…